Supply ng kuryente tiniyak na gagana sa halalan 2013

power-interruption

TINIYAK ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa publiko na ang kanilang power grid ay mananatiling reliable at stable para sa darating na halalan.

Ayon sa NGCP, bumuo sila ngayon ng task force na siyang responsable para sa magandang transmission ng elektrisidad at bumuo ng contingency plans and measures sa panahon ng halalan.

Sinabi ni NGCP Spokesperson Atty. Cynthia Alabanza, ang NGCP task force ay magsimula sa kanilang operasyon ngayong buwan ng Pebrero at magtatrabaho 24/7 mula sa buwan ng Mayo 10-17, 2013.

Ang NGCP task force ay kaugnay narin sa power task force na binuo ng Department of Energy (DOE).

Nauna rito, iniulat na nakararanas na naman ng rotating brownout ang lungsod ng Iligan simula kahapon, Pebrero 4. Ito’y matapos nagpalabas ng advisory ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa Iligan Light and Power Incorporated o ILPI na may nararanasang problema na naman ang Mindanao grid kayat humina ang pagbibigay supply ng kuryente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply