Surfing instructor tiklo sa shabu

tiklo

TIMBOG sa pulisya ang isang surfing instructor makaraang mahulihan ito ng ilang gramo ng shabu sa isinagawang checkpoint sa San Juan, La Union, kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyan nang nakapiit sa detention cell ng San Juan, La Union ang suspek na kinilalang si Noel Mendoza, ng Barangay Urbiztondo, San Juan, ng nasabing lalawigan.

Ayon sa inisyal na report ng lokal na Philippine Nation Police (PNP), nagsasagawa ng checkpoint ang San Juan police nang parahin ang sasakyan ng suspek.

Habang tinatanonog ng mga pulis si Mendoza, ay napansin nila (pulis) na mukhang kabado ito at nanginginig.

Sa puntong ito, pinakiusapan ng mga awtoridad si Mendoza na bumaba pansamantala sa kanyang sasakyan.

Nang halungkatin ang sasakyan ng suspek ay nakitaan ito ng hindi pa malamang gramo ng shabu.

Liban dito, nang dukutin ng suspek ang kanyang driver’s license ay nalaglag sa bulsa nito ang pinatuyong dahon ng marijuana na nakalagay sa plastic tea bag.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Anti-illegal drug act.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply