Suspek sa pagpatay sa vice mayor sa North Cotabato tukoy na

Tacurong City, Sultan Kudarat-May witness na ngayon ang mga pulis sa bayan ng Kabacan sa North Cotabato kaugnay sa pagpaslang sa Vice Mayor na si Policronio Dulay.

Matatandaan na si Vice Mayor Dulay ay pinagbabaril malapit sa kanto ng University of Southern Mindanao sa nabanggit na bayan noong Enero 11, 2013.

Ayon kay P/SUPT. Leo Ajero, hepe ng Kabacan Municipal Police Station, bagamat hawak nila ang testigo ayaw naman nilang ibigay ang tunay na pagkakilanlan sa mga salarin habang patuloy pa ang imbestigasyon sa nasabing kaso.

Sa ngayon hawak na ng Criminal Investigation and Detection Group team ng North Cotabato ang naturang kaso at bumuo na rin ng Task Force Dulay sa pamumuno ng naturang ahensiya.

Pinabulaanan na rin ni P/SUPT. Leo Ajero kung may kinalaman ba ito sa nalalapit na halalan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply