SUV sumalpok, 1 patay, 3 sugatan

accident

HINDI na umabot sa pagamutan ang isang lalaki at sugatan naman ang tatlong kasama nito makaraang bumangga ang sinasakyang SUV sa isang concrete barrier sa Naga City kaninang madaling araw.

Nabatid na bandang ala-1:20 ng madaling araw nang binabagtas ng SUV ang Bagumbayan Sur nang sumalpok sa isang concrete barrier na minamaneho ni Atel Alolos, 22, ng Brgy. San Felipe.

Lulan din sa naturang sasakyan ang tatlong kasamahan nito na sina Leonor Cu, 42; Michael Wilhem; Nilo Alolos, 44, na siyang binawian ng buhay.

Base sa mga nakasaksi sa aksidente, ikinagulat na lamang nila ang biglaang pagbangga ng sasakyan sa may harap na bahagi ng BRK Construction Supply kung saan ilang beses bumaliktad ang SUV.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pangyayari.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply