Tagle binigyan ng 2 mahalagang tungkulin ng Santo Papa

antonio-tagle

DALAWANG buwan matapos maging Cardinal ng Simbahang Katoliko, binigyan na ni Pope Benedict XVI ng dalawang mahalagang tungkulin sa Vatican si Cardinal Luis Antonio Tagle.

Si Tagle ay itinalaga ng Santo Papa sa dalawang vital council ng Vatican si Tagle upang makatuwang niya sa pamamahala sa universal church.

Nabatid na kabilang sa mga bagong tungkulin ni Tagle ay ang pagiging miyembro nito ng presiding committee of the Pontifical Council for the Family at ng Pontifical Council for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant Peoples.

Bilang miyembro umano ng dalawang tanggapan na parehong nakabase sa Roma, maaaring dumalo si Tagle sa mahahalagang pulong ng Konseho at tumanggap ng regular na correspondence mula sa Roma hinggil sa mga bagay na kinakailangan ng consensus.

Bukod kay Tagle, binigyan rin naman ng Santo Papa ng bagong assignment ang lima pang bagong Cardinal ng Simbahang Katoliko, na kasabay ni Tagle na naging bagong miyembro ng College of Cardinals.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply