Thunder umiskor sa Grizzlies

thunder

RAMDAM ng Memphis Grizzlies ang pagkawala ng kanilang kamador na si Rudy Gay kaya naman tinambakan sila ng Oklahoma City Thunder, 89-106 sa laban nila kanina.

Nagsanib puwersa sa opensa sina All-Star members Kevin Durant at Russell Westbrook upang kanain ng Thunder ang 35-11 karta.

Sumalpak ng 27 puntos, pitong rebounds at anim na assists si Durant habang 21 pts., siyam na boards at anim na assists ang binakas ni Westbrook.

Nagsimulang huminto ng pagragasa sa opensa ni Westbrook ng makita niyang kontrolado na nila ang laro.

Na-trade na sa ibang koponan si Gay kaya pinasan nina Jerryd Bayless, Mike Conley at Marc Gasol ang opensa ng Grizzlies.

Bumira si Bayless ng 23 puntos, 17 ang ginawa ni Conley habang si Gasol ay nag-ambag ng 16 pts.

”The first half, we were a little flat, a little shell-shocked,”wika ni coach Lionel Hollins.”Everybody was trying to do too much. You had guys who just didn’t make any shots in the first half. But the second half, we played our game.”

Ganunpaman, nasa pang-apat na puwesto pa rin sa Western Conference ang Grizzlies hawak ang 29-16 baraha.

Sa ibang resulta ng NBA games, nagwagi ang Golden State Warriors kontra Dallas Mavericks, 100-97. ELECH DAWA

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply