Tips sa pangangalaga ng damit

Remate-website-pix-guide

KUNG inaakala ninyong puro fashion lamang ang aming hatid sa inyo, puwes nagkakamali kayo dahil hindi lang puro japorms ang iintindihin natin, siyempre pa hahagingan din natin ang mga tamang pangangalaga sa ating mga damit.

Actually, madalas na nating pinoproblema ang mga stains sa damit. Ang pinakamatindi pa ay kung mamantsahan ang ating mga damit at tuluyan na nating hindi magamit.
Malamang sa hindi, maghahamon tayo ng away kapag nangyari ang ganito.

But as I was saying, may mga solusyon naman para rito, ang kailangan nga lang ay konting pasensiya at tiyaga para maalis ang mga nakagigil na mantsa.

Kung ikaw ay isa sa mga namumroblema sa ganitong sitwasyon, narito ang ilang problema at ang solusyon para rito.

•COLOR CODING

Isang dahilan sa pagkakaroon ng mga mantsa sa damit ay ang paghahalo ng mga de kulay na damit sa mga puti which is a big no no, because may big tendency na magkahawaan nga ng kulay ang mga ito.

Better na mag-differentiate ng mga kulay at unahin ang puti sa paglalaba.

*INK STAINS
Bad trip kung favorite mong polo o baby dress ang namantsahan, but kung iniisip mo na hindi na ito masosolusyunan, kwidaw kayo dahil may pag-asa pa para magamit pa ito.

Bumili/humingi/manghiram ng inexpensive aerosol hair spray at ilagay ito sa namantsahang damit. Makikita mo na ang unit-unting pag-alis ng mantsa. Konting pasensiya lang kasi hindi madaling alisin ang ganitong dumi.

*DEADLY CHEWING GUM
KUNG inaakala ninyo na ang pang-alis ng chewing gum ay gasoline, mali po kayo. Because ang da best na pang-alis ng chewing gum ay ang refrigerator.

Yup, ito nga po ang solusyon. Kapag nadikitan ng chewing gum ang inyong damit, ilagay ninyo agad ang inyong damit sa ref at hayaang malamigan. Hintayin na tumigas ang  bubble gum at saka alisin ito.

Tatlo pa lamang yan sa mga tips ko, dahil patuloy pang nagsasaliksik ang inyong lingkod kung paano maililigtas ang ating mga damit sa killer stains. Kaya pansamantala bye muna. Yun lang!

About Thor

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>