Titser, teenager huli sa gun ban sa QC

crime-fugitive

ISANG titser at isang teenager ang pinakahuling lumabag sa Commission on elections’ gun ban matapos silang mahuling may bitbit na baril sa magkahiwalay na insidente sa Quezon City nitong Lunes ng gabi (Pebrero 4).

Ang titser na nakilalang si Mr. Go ay dinampot ng pulisya matapos komprontahin ang kanyang mga nag-iinuman na kapitbahay sa Urbabo St., Q.C. dakong 11.

Inakusahan ni Go ang kanyang apat na kapitbahay na nambato sa kanyang bahay pero itinanggi nila ito na humantong sa mainit na pagtatalo.

Sa gitna na bangayan, inilabas ni Go ang kanyang .9mm pistol at ikinasa sa harapan ng kanyang mga kapitbahay.

Pumagitna naman sa sigalot ang kapitbahay nitong si P01 Richard Cruz pero hindi nito napakalma si Go. Kinuwelyuhan ng mga barangay tanod si Go at dinala sa presinto.

Bagamat lisensyado ang baril ni Go, wala naman itong maipakitang dokumento na exempted ito sa gun ban.

Sa isa pang insidente, inaresto ng pulisya ang isang 18-anyos na si Jason de Guzman ng Kabutihan Street sa Barangay Batasan Hills dahil pumasok ito sa isang bahay na may bitbit na baril.

Dinisarmahan ito ng mga miyembro ng homeowner’s association.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply