TIYAK NA MAPAGKAKATIWALAAN

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB

SA simula pa lang ng kampanya sa kandidatura sa pagka-presidente ni Pangulong Benigno Aquino III ay “daang matuwid” na ang kanyang gabay upang tangkilikin ng mga mamamayan kaya nga ito rin ang kanyang sinundan sa kanyang panunungkulan sa minamahal na bayan.

Kaya nga ang kanyang mga kandidato sa Team PNoy ay “daang matuwid” din ang ginawang gabay at tinatahak upang makatulong sa Pangulo na mapaganda ang buhay ng mga mamamayang kanilang nais na pagsilbihan.

Ipinagmamalaki ng Team PNoy na siguradong mapagkakatiwalaan ang kanilang grupo sapagkat bukod sa totoo na may napatunayan na ay tunay na sila ay tumahak sa daang matuwid na unang sinimulan ni Pangulong Noynoy.

Tama lang naman na tangkilikin ng  mga botante ang Team PNoy sapagkat siguradong kikilos ang mga ito ngunit hindi nangangahulugan na susunod lang sa agos kapag hindi nila gusto ang ginagawa ng namumuno sa kanila. Daang matuwid ang kanilang ipinangangalandakan kung kaya’t kapag mali bagaman kasama nila sa grupo ay kanilang babatikusin.

Totoong napakarami ng gustong makisali sa Team PNoy subalit sinalang mabuti ang mga kandidato sa ilalim ng Liberal Party bagaman nahaluan ng mula sa ibang partido upang hindi mapahiya sa mga botanteng tatangkilik sa kanilang lahat.

Hindi nagpapanggap ang nasa Team PNoy sapagkat sila ay kasama ng Pangulo sa simula pa lang ng kanyang mga adhikain na mapaangat ang kabuhayan at kalagayan ng mga mamamayang Filipino.

Umaasa ang Palasyo na kikilalaning mabuti ng mga tao ang kanilang iluluklok sa puwesto dahil marami sa mga mananalong nagpapanggap lang ay ‘di layunin ng Pangulo ang susundan subalit kung paano palalaguin ang kanyang sariling kabuhayan.

Dapat ang mga mamamayan sa pagkakataong ito, sa pagpili ng iboboto at iluluklok sa puwesto, ay hindi na maloloko tulad nang naganap noong botohan ng 2004.

Kailangang bantayan nilang mabuti ang kanilang boto upang makasiguro na ang kandidatong mauupo sa puwesto ay mga totoong tao at tumatahak sa daan na binabaybay ng Pangulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply