Tubbataha reef, ire-repair ng DOST

GAGAMITIN ng Department of Science and Technology ang teknolohiya ng ahensya upang maibalik at maisaayos ang nasirang coral reef ng Tubbataha na nasira ng isang barko ng US Navy na sumadsad dito ilang linggo na ang nakaraan.

Ayon kay DOST Secretary Mario Montejo, isa sa mga pangunahing adbokasiya ng ahensya ay ang environmental protection at preservation sa pamamagitan ng Science and technology na tinaguriang Coral Reef Restoration program.

Ang Coral Reef Restoration Team ay binubuo ng mga siyentipiko mula sa ibat-ibang unibersidad gaya ni Dr. Filifina Sotto ng University of San carlos ng Cebu, at Dr. Filemon Romero ng Mindanao State University Tawi-Tawi campus. Kasama din sa grupo ang mga siyentipiko ng UP Marine Science Institute at Bicol University.

Sakaling kailanganin ang grupo ay gagamitin ang teknolohiya ng DOST sa pagtatanim ng direkta ng mga corals upang ma-re-populate ang reefs at maibalik ang dating ganda ng Tubbataha Reef. Plano din na isama sa restoration team ang mga sinanay at certified na mga scientific drivers mula sa Philippine Navy,Coast Guard at PNP Maritime na kumuha ng DOST underwater scientific diving and restoration course nuong Peb 10 sa Antique sa pakikipagtulungan ng Philippine Underwater activities.

Sa ilalim ng Coral Reef Restoration Program ng DOST, nasa pangangalaga nito a 12 coral nursery sa buong archipelago. Isa rito ang nasa Bolinao sa Pangasinan, Panglao sa Bohol, Anilao at Laiya sa Batangas, Ticao Island sa Masbate, Boracay, Bataan at Zambales.


Leave a Reply

*
nyahahahaha ' kapay' Ilusyon mo lang yan,,,may mag...
KAPAY KAPAY EASY EASY KA LANG .. HAHAHAH NAGLAWAY ...
NYAHAHAHAHA WAHAHAHA KAPAY KAPAY EASY EASY ANG HIG...
PINAGMALAKING MO SEGMENT NA KAKAIBA KUNO STD BUHKE...
AGUYYYYYY AGUY REFORMAT NA ANG ALL STARLETS PARTY ...
Si junior ang composer ng yakap, english ang orig,...
nyahahahah siyempre naman para lalong gumanda ...
nyahahahahah ayy talaga,,sure ka bang binenta nila...
nyahahahah saan? anong lugar diyan sa bisaya? ha...
nyahahahaha saan? anong music stores? bwahahaha...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.