Usapin kay Amalilio bahala ang DFA, DOJ

abigail-valte11

PATAY-malisya lang ang Malakanyang sa ulat na pamangkin ni Sabah Chief Minister Musa Aman ang ‘wanted’ na si Manuel Amalilio, mastermind ng P12-billion pyramiding scam.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, wala pa silang nakukuhang beripikasyon sa bagay na ito subalit ang malinaw ay patuloy ang ginagawa ng gobyerno ng Pilipinas na makipag-ugnayan sa local police authorities sa Malaysia para sa deportasyon ni Amalilio sa bansa.

Bagama’t nakarating sa kaalaman ng Malakanyang ang pagharang ni Aman sa pagpapabalik kay Amalilio sa Pilipinas ay sinabi nito na “I did also see those reports but I will defer to, either to the DOJ, to the DILG or to the DFA on that matter because as far as we are concerned, we submitted all the documentation that is required primarily to prove that Mr. Amalilio is a Filipino citizen. We’ll leave it to those officials to comment on the alleged affiliation or relationship.”

Kung sakali nga, aniya, na pamangkin si Amalilio ni Aman ay nakiusap si Usec. Valte na huwag mag-espekulasyon lalo pa’t tina-trabahong mabuti ng mga awtoridad ang pagpapauwi sa bansa ni Amalilio.

At sa tanong kung kailangan na ba ang “high level negotiation” para maibalik sa bansa si Amalilio ay sinabi ni Usec. Valte na ipinauubaya na nila sa DFA, DILG at DOJ ang pagdetermina sa usaping ito.

“We are, at least, letting them work. Let’s give them space to work po muna,” aniya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply