5 miyembro ng pamilya nalason sa isda

KASALUKUYANG nakaratay sa Western Visayas Medical Center sa Mandurriao, Iloilo City ang limang miyembro ng pamilya Confessor sa Cubay, Jaro, Iloilo City makaraang malason ng kinaing isda.

Kinilala ang mga biktima na sina Rosette Confessor, 68; Rudilyn Confessor, 34; Rosemarie Confessor Sustento, 47; Danny Confessor Jr., 9, at Frederick John Confessor, 13.

Ayon kay Brgy. Kgwd. Federico Confessor, isa rin sa mga nalason, bumili ng isda at laman loob nito na tinawag na ‘basa’ ang kanyang anak mula sa naglalako sa kanilang lugar at kanilang kinain kinaumagahan.

Ngunit matapos kumain ay nakaramdam sila ng pananakit ng tiyan, pagkahilo at pagtatae hanggang sa sila ay nanghina kaya’t isinugod na lamang sa ospital ang kanilang limang kaanak na nasa malubhang kalagayan.

Naniniwala naman ang mga biktima na ang kinain na lamang-loob ng isda ang dahilan ng kanilang pagkalason dahil ang ilang miyembro ng pamilya na kumain din ngunit hindi nakakain ng lamang-loob ay hindi naman lubhang naapektuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>