BB Gandanghari hubo’t hubad sa nagmamasturbate na leading man sa play

BB-gandanghari

MATITINDI pala ang daring scenes ni BB Gandanghari sa kanyang pinagbibidahang classic na stage play na Halik ng Tarantula.

Imagine, may isang eksena raw sa play na habang hubo’t hubad itong si BB ay nagma-masturbate naman sa kanyang harapan ang leading man na si Jet Alcantara.

Although parehong walang private parts na na kita sa dalawa dahil may takip ito, magiging malaswa pa rin ang dating nito lalo na sa mga hindi naman katalinuhang crowd. Saka papano ito panonoorin ng brother ni BB na si Robin Padilla na hate na hate ang pagiging  bakla niya eh may todo-todong hubaran pala rito. Hindi kaya sa gitna ng palabas ay masuka si ‘Tol dahil hindi nito masikmura ang kanyang makikita.

I doubt it rin kung kakayanin ba ng ina ni BB na si Mommy Eva Carino na panoorin ang nasabing first starring role ng gay son sa entablado. Siguro kung yung mga pamangkin pa ni Ms. Gandanghari like Daniel Padilla etc. ay maki-carry pa siya dahil bokal naman sila na tanggap nila ang kanilang tita Rustom sa pagbabagong anyo nito. Pagbabagong anyo gyud!

***

Matitinding isyu at mga bagong pasabog abangan mamaya sa The Buzz  

KALIWA’T-kanang parangal na naman ang ipinagkaloob sa main host ng The Buzz at King of Talk na si kuya Boy Abunda.

Recently lang ay si kuya Boy ang tinanghal na Outstanding Male Showbiz Talk Program Host para sa The Buzz ng Entertainment Press Society Inc,(ENPRESS) para sa kanilang Golden Screen TV Awards 2012. Walang kumu- kuwestiyon sa award ni kuya Boy dahil deserved niya ang lahat ng mga karangalang ibinibigay sa kanya.

Ang mahusay na TV & movie personality ang kinikilalang isa sa pinakamahuhusay at most credible host ng Philippine Television. Sa sobrang galing niya sa pagsasalita at interview ay ikinukumpara nga siya sa mga icon TV host sa Hollywood. At siyempre, nais naming i-congratulate ni BFFT Pete A ang aming idol at angel sa pagkaka-
panalo niyang ito sa ENPRESS at iba pang prestigious award giving bodies.

Mamaya sa The Buzz, matitinding isyu at mga bagong malalaking Pasabog na naman ang hatid sa inyo ng most awarded No. 1 Sunday showbiz oriented talk show ng Kapamilya network. Basta kung nasaan ang kontobersiya ay agad-agad mabibigyang linaw ito at matutuldukan sa The Buzz.

Ilan sa mga pasabog nila mamamaya ay ang pinagpi-piyestahan sa social media na Kakai-Mario Maurer romance at namumuong Mutual Undserstanding sa hottest love team ng bansa na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Abangan rin ang mga celebrity guest sa mga segment nina kuya Boy at dalawang co-host nito na sina Toni Gonzaga at Charlene Gonzales. Mapapanood ang The Buzz weekly after LUV U sa ABS-CBN 2.

10 Comments

  1. Coco Shannel

    March 9, 2013 at 12:23 pm

    WELL MADAMI RAW NAG WALK OUT NA PRESS DAHIL BORING ANG PLAY AT PALPAK ANG SOUND SYSTEM. MAY MGA NAKA SHADES PA RAW SA AUDIENCE HABANG HUMIHILIK. HAHAHA. HANOVAH!

  2. cattleya

    March 9, 2013 at 1:13 pm

    dapat lang wag panoorin at tangkilikin ang ganyan klaseng (indie) movie para madala ang mga producers.

    • Coco Shannel

      March 9, 2013 at 2:27 pm

      TEH, DI INDIE ITO. STAGE PLAY NA ADAPTATION NG AWARD-WINNING MOVIE NA “KISS OF THE SPIDER WOMAN” NINA WILLIAM HURT AT RAUL JULIA. KASO, SOBRANG BINAKLA SIGURO NI MADAM SOXY.

  3. Evilmaniacs

    March 9, 2013 at 4:56 pm

    ayan kasi nagmamagaling ang isang catttleya na ito,di kasi nagbabasang maige hay nagkalat ang aanga anga sa column na ito..magsaing ka na nga dian at baka dumating ang mga amo mo wala pang makain..hmp..aanga anga..

    • Pocholo Tarugo

      March 9, 2013 at 5:14 pm

      LOL!!!

    • Coco Shannel

      March 9, 2013 at 5:57 pm

      HAHAHA. NATAWA KO. ANO BANG GINAWA NI CATTLEYA?

    • Shirley bayoT. Rivera

      March 10, 2013 at 2:46 am

      haha! sensya na evil kase akala ko indie movie yan eh…tao lang po…

      • cattleya

        March 10, 2013 at 2:48 am

        LOL!

      • Shirley T. Rivera

        March 10, 2013 at 6:42 am

        hik hik buhay pa pala si bayot, hik hik, ang dami siguro nitong gamit na username, hik hk

  4. Does Stroke By Stroke Works

    March 26, 2013 at 8:52 pm

    It’s hard to come by educated people in this particular subject, however, you seem like you know what you’re talking about!
    Thanks

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>