Ethel Booba, Ate Gay sinabon ni Willie Boy

willie-revillame

KAABANG-ABANG mamaya ang episode ng “Wowowilie” sa Kapatid network (TV5).

Mamaya ay malalaman natin kung magre-resign (o nag-resign), titigbakin, sususpindehin o tuloy pa sa naturang show ang mga komedyanteng host na sina Ethel Booba at Ate Gay.

Ang dalawa ay napagalitan ni Willie Revillame, main host, producer ng naturang show.

Sa episode kahapon (Pebrero 28) ay napalitan ng lungkot ang masayang atmosphere sa noontime show nang pagalitan ni Willie ang dalawang komedyante on air.

Sa segment na “Tutok To Win” ay pinahinto ni Willie si Mariel Rodriguez (host ng naturang segment) at sinabi na mayroon siyang gustong sabihin kaugnay sa nangyari earlier na “pikunan” sa pagitan niya at nina Ethel at Ate Gay sa isa pang segment na “Mini Concierto” at sa dressing after nito.

Ang Mini Concierto ay segment ng noontime show kung saan ipinapakita ng mga co-host na sina Ethel, Ate Gay, Anna Feliciano, Arci Muñoz, at Ava Jugueta ang kanilang talento sa singing and dancing.

Ngunit nagkaroon ng biruan na hindi alam ni Willie ay tinake seriously nina Ethel at Ate Gay.

Sa Mini Concierto ay nanalo si Anna Feliciano at biniro ni Willie na ginagaya lamang ni Ethel si Anne Curtis, partikular ang kontrobersyal na outfit nito sa birthday celebration sa ASAP18 noong nakalipas na Sunday.

“Style ba ‘yan? Ginagaya mo lang si Anne Curtis, e. Wala, ginagaya lang si Anne Curtis.

Ayon kay Wille, na ang prod ni Anne sa ASAP ay may shower at sinabi na hindi iyon kayang gayahin ng komedyana.

Depensa naman ni Ethel na “Ano ito? Bakit mo kami ikinu-compare doon? We’re talking about talent, not singit. Come on!”

Ang naturang sagot ni Ethel sa ani Willie ay biro niya ay umani ng batikos sa mga follower at supporters ni Anne sa Twitter.

Ayon kay Willie, nagalit sa kanya sina Ethel at Ate Gay noong nasa dressing room sila after ng Mini Concierto segment.

Sinigawan umano siya ni Ethel kaya hindi niya napigilang magsalita on air at isiniwalat ang nangyari off-cam sa pagitan nila ni Ethel at Ate Gay.

Ayon kay Willie, malaki na ang ulo nina Ethel at Ate Gay samantalang siya umano ang nagbigay ng break sa mga ito.

Narito ang ilang pahayag ni Willie:

“Lahat ng ito ay biruan lang. Marami raw ang nagagalit sa kanya (Ethel).

“Sa mga nagto-tweet kay Ethel, biniro ko lang siya about Anne Curtis. Huwag kayong magalit sa kanya.

“Itong lahat ng ito ay katuwaan lang. Di ba’t pinapasaya namin kayo?”

Patungkol ni Willie sa pagsigaw ni Ethel sa kanya: “You don’t do that to me dahil, ako, binibigyan ko kayo ng lahat ng pagkakataon sa buhay.

“I am the producer, I am the host. Ako ang nag-iisip ng ikagaganda.

“Ang iniisip ko dito, publiko, hindi kayo.

“Ngayon, natalo lang sa costume, nagagalit kayo?

“If you want to resign right now, go! Hindi ko kayo pipigilan.

“You don’t do that, mag-respeto kayo.

Sinabi rin ni Willie na nasa baba si Ethel at kanya umano itong inaangat. Habang binibigyan naman aniya ng break si Ate Gay,

“Magkaroon kayo ng utang na loob.

“Kaya ko ginagawa yung… hindi n’yo ba napapansin, nasa likod lang ako?

“Bina-back-up-an ko lang kayo dahil kayo ang gusto kong umangat dito. Tapos ganyan ang ginagawa n’yo?

“Magkaroon kayo at tumingin kung saan kayo nanggaling. Huwag kayong umangat.

“Huwag kayong masilaw at huwag kayong malunod sa sigaw at palakpak ng tao sa isang kanta.

“Tandaan n’yo ito. Hindi ganyan ang pagsikat sa mundo.

“Too much.”

Abangan natin mamaya ang episode ng Wowowillie.

About Thor

18 Comments

  1. CHOCO LIIT PUKE,TT GIL

    March 1, 2013 at 2:04 pm

    yan ang pagkakiba ni willie sa ibang show hambog pa rin til now

  2. Coco Shannel

    March 1, 2013 at 2:15 pm

    GOSH, KELAN DARATING ANG KARMA KAY WILLIE? ANG TAAS MAGSALITA NG LOLO NYO. VERY OFFENSIVE AND REPULSIVE!

  3. emerson

    March 1, 2013 at 3:02 pm

    nagsalita ang may utang na loob at ang hndi nasilaw at nalunod palakpak.

  4. cattleya

    March 1, 2013 at 3:09 pm

    One reason why Dos’ execs got rid of him, hehe. :-(
    I’m sure Ethel and Ate Gay felt dispirited after that incident. Ikaw ba naman ang pagalitan in national tv, di ka mapapahiya? He should be grateful for being blessed and shouldn’t forget what he’d been through nung panahon na jobless sya at walang-wala kaya kung sino-sino ang kanyang nilalapitan.

    • elgee

      March 1, 2013 at 11:29 pm

      Totally humiliated in public!!!

  5. Ryan Abelgos

    March 1, 2013 at 8:12 pm

    Mahirap kasi magkaroon ng Boss o katulad ni Willie na Moody, kasi minsan if galit siya mainit ulo niya sa lahat at hindi niya napapansin na nakakasakit na siya ng damdamin ng kapwa niya, at for my opinion, maski sinong tao nman maiinis sa kanya kasi siyempre nag-effort gumastos at mag rehearse si ate gay and ethel tapos walang matatanggap, ok lng sana if my consolation prize kahit 1k or 2k…. kaya hindi din po natin masisisi si ate gay at si ethel booba.

  6. Nestor Ponce

    March 1, 2013 at 8:33 pm

    Kailangan pa bang sabihin at gawin yan ni Willie in front of tv para mapahiya lang sina ATe Kay at Ethel Booba. Ang pagtulong galing sa dibdib ay hindi na kailangan pang ipagsabi sa iba at hindi na kailan pang ipa feel guilty dun sa mga natulungan mo. Bastos yong ginawa ni Willie, bakit hindi na lang nya tinawag ang dalawa privately at dun niya kinastigo ng pangaral na walang nakarinig dahil siya naman pala ang producer ng show na yan.. Kaya ganyan na lang ka walang respeto ang karamihan sa kanya dahil na rin sa walang respeto rin na pinakita si Willie maski sa sarili nya. Certified BASTOS na pag-ugali ang ginawa niya sa live TV ba yan or taped episode ba kaya? Or baka gimmick na naman yan ni Willie dahil sa low ratings na show nyang WA-WA-WALA este Wowowillie pala.

    • elgee

      March 1, 2013 at 11:32 pm

      Totally humiliated in public!!! Tignan natin kung sino sa dalawa ang makapal ang hiya or desperate sa buhay na mag-stick pa rin kay willie.

  7. elgee

    March 1, 2013 at 11:48 pm

    Ganun kababa ang tingin ni willie dun sa dalawa, at maaring ganun din sa iba pa niyang co-hosts, kaya walang pakundangang panghihiya on-the-air at in-public ang ginawa ni willie sa kanila. Abangan natin ng makita kung sino-sino ang mga co-hosts ang mahigpit ang pangangailangan sa pera para mag-stick pa sa show na yan.

  8. dong

    March 2, 2013 at 1:08 am

    kakabwisit talaga yan c willie, hais! ewan ko bat nyo pa pinapanood yan.. sya itong unprofessional…

  9. I AM PISIKOLOGY

    March 2, 2013 at 3:47 am

    yun mga nangangailangan lang naman ng pera ang sobrang makasipsip kay willie devillame at ginagamit pa ang mga matatanda para makakuha ng simpatya sa mga tao. Kaya vindicated ang ABS-CBN..hihihi!

    • Peter

      March 2, 2013 at 11:44 am

      Kasalanan ng abscbn, sila ang nagpalaki sa ulo ni Revillame dahil malaki ang iniaakyat sa kaban nila.

  10. joey de cashtro

    March 2, 2013 at 9:02 am

    walang modo si willie mana kay cristy fermin

  11. carol garcia

    March 2, 2013 at 10:40 am

    ikaw willie himbis na turuan mi sila dahil ikaw ang mas matanda, ikaw pa ang nag papababa sa kanila.,ang yabang mo !

  12. carol garcia

    March 2, 2013 at 10:41 am

    ang yabang mo willie !

  13. anastacio

    March 2, 2013 at 3:18 pm

    kakahiya si willy na yan!..Kawawa naman sina Ethel at Ate gay! Di bali, magsumikap na lang kayo im sure may ibang show dyan at kukunin kayo. Aangat kayong 2 samantalang walang mapuntahan na yang show ng mayabang na yan..actuali di naman ako nanonood dyan,,minsan lang nakita ko sina Ethel at Ate gay,,ang galing nila sa show na yan.dahil doon nanood na lang ako..pero kung si willy lang ay never..Tama mga walang talent naman yang ibang mga kasama dyan…Nagkataon lang di naging Ethel VIllar mga apelyedo nyo…Pero pasasaan bat babagsak na yan show nya!

  14. Menggay

    March 8, 2013 at 10:33 pm

    Actually, its Willie who needs ethel and ate guy for his show to rate. Wala naman kasi kabuhay buhay ang show nya. Mga host na sandamakmak eh mga wla namang binatbat…. Sus Willie, kung di lang kasalanan, ansarap mong ipagdasal na lumagapak ka sana. Kbwisit! Just plain ARROGANT!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>