Mainit na temperatura, hindi tanda ng panahon ng tag-init

KAHIT biglang kumulo ang temperatura sa ilang parte ng bansa, inihayag kaninang umaga ng state weather forecasters na hindi pa ito ang opisyal na panahon ng tag-init.

Ani PAGASA forecaster Alvin Pura, mayroon pang magaganap na pagbuga ng hangin na mula sa kanluran-silangan na maaaring magdala ng malamig na hangin sa darating na Biyernes pero hindi rin naman magtatagal.

“Wala pa tayong official declaration na tag-init na (bagama’t) sa ngayon ang high-pressure area sa North Pacific dominante na,” pahayag ni Pura.

Mayroon din aniyang easterlies o mainit na hangin na mula sa silangan, na maaaring magdulot ng mainit na panahon o maalinsangang panahon.

Gayunman sinabi ni Pura na inaasahan ng PAGASA na ang pormal na pag-aanunsyo sa pagsisimula ng mainit na panahon ay kundi ngayon o sa susunod na linggo pa.

Naunang sinabi ni PAGASA forecaster Connie Dadivas na ang northeast monsoon, na nagdulot ng malamig na hangin  simula noong unang bahagi ng Disyembre ay nawala na.


Leave a Reply

*
SOP yun....itong writer maka bobo lang lumalabas t...
Bakit Abe, ibig mo bang sabihin eh na-outnumber na...
hahaha! baka kailangan na ni kristd mag-shampoo na...
AGB? hahahaha! patawa ka naman kristd eh....hahaha...
hahaha! dito sa u.s. (siguro kahit sa ibang bansa ...
corek...
sa title pa lang ay mukhang may sense ang mga peli...
NESTOR ALAM NYO BA NA SO INGGIT ITONG MABAHONG EBA...
ABE Paulite, maka BOBO ka naman at intrigero dun s...
Eto ang demanda na maliwanag na pang-propaganda la...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.