Ogie Alcasid, masaya sa pagbabalik ng OPM sa music scene

AFTER a long period of dormancy sa airwaves, with just a handful of hits you can mention, sumisipa ngayon sa airwaves at sa record store sales ang mga kanta at CDs ng ating local musicians. Isa sa mga pinakamasaya sa development na ito ang Presidente ng OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit) na si Ogie Alcasid.

Sabi ni Ogie na sa sobrang kagalakan sa mga pangyayari ay panay ang tweet niya to announce the good news.

“I want to announce to anyone na masaya ako with these developments in the music scene,” sabi ni Ogie. “Pag makikinig ka ngayon sa mga radio stations halos puro OPM ang nire-rerquest ng mga tao.

“And the nice thing also is marami ngayong mga kanta na naririnig ko that are sung by young people at patok talaga ito sa mga tao. Maging sa live concert scene ay tinitilian sila ng mga tao.”

Dagdag pa ng singer/songwriter/actor, “OPM is really kicking it now, bumabalik na in a big way. Number ngayon sa mga Top Ten radio countdowns ang kanta ni Abra. Ganun rin si Gloc 9. Marami pa, and yung Pusong Bato memor- yado ko na ang lyrics sa tagal nito sa airwaves.”

Ogie was referring to the phenomenal hit na noong una ay practically walang airplay pero sa mga videoke machines tinangkilik ng mga tao. Pwedeng ihalintulad ang kasikatan ng kantang ito sa Anak ni Freddie Aguilar and the other jukebox hits, in its heyday, in terms of popularity.

“I can see OPM coming into the fore sa loob ng 5 to 6 years. Parang gulong na coming into gear. Masaya ako kasi lahat ng genre ngayon is represented ng mga artists natin.”

On another note ay sinabi ni Ogie na magiging guest sa repeat ng Valentines concert na Foursome nila nina Martin Nievera, Pops Fernandez, at ng misis niyang si Regine Velasquez, ang Total Performer na si Gary Valenciano.

Malapit na ring magdiwang ng kanyang 25 years in the industry si Ogie at sabi niyang malamang ay tawagin niya ang gagawing concert to commemorate it na The Songwriter and The Hits.

****

HAPPY ang co-host ng Jeepney Jackpot at mainstay ng Lokomoko U na si Valeen Montenegro sa tinatakbo ng kanyang career, so far.

“I have no complaints. Kaya ako sobrang happy was, aside sa hindi naman ako nawawalan ng projects and the people of TV5 are really lenient with me , kasi alam nila that I have to finish school.”

Malapit na ngang grumadweyt ang seksing Kapatid actress ng kursong Fashion Design and Merchandising sa College of St. Benilde.

After college, gusto ko ring mag-venture into fashion designing. Alam ko marami pang maibibigay na projects sa akin ang TV5 pero maganda na rin yung may fallback. It’s always what I’ve wanted to do aside from acting, of course,” pahayag ni Valeen nang akin siyang makausap recently.

Naitanong ko sa kanya kung may balak ba siyang sundan si Ritz Azul, isa ring Kapatid star na nag-pose sa men’s magazine na FHM at lumabas sa cover in a daring pictorial.

“Actually, nililigawan na ako ng FHM. Sabi ko sa kanila, I’ll do it when I’m really ready. Alam rin nila yun. Kahit mga sexy roles in movies I’m willing to do. It’s an art naman.

“Gusto ko ring masubukang lumabas sa isang sexy pictorial para pag naging mommy na ako, mayroon akong ipakikita sa mga anak ko, and say, ‘Here’s your mommy, and she was sexy once.”

Low key ang lovelife ni Valeen pero sabi niyang masaya siya sa kanyang non-showbiz boyfriend.

“Siya ang nagti-train sa akin sa gym. He’s a strength and conditioning coach so everytime na may time ako magworkout, pumupunta ako sa gym to maintain my figure and to feel good,” pagtatapos ni Valeen Montenegro.


Leave a Reply

*
bobo ka talaga peter alangan naman na galing sa gm...
dapat lang ilabas nila ang net income kasi transpa...
kawawa itong gma 7 di sila naglabas ng financial r...
NYAHAHAHAHA STD AMININ SO MAMATAY KA NA SA INGGIT...
NYAHAHAH NGAUN DI NYO MAAMIN NA TALUNAN SA NET INC...
nyahahahah si Kim Bungol na naman ba yung Aktress ...
nyahahahah si Vivigsky yan hahahaha...
nyahahaha ayaw pang aminin nila na malaki ang DEB...
kung ang tax ni pacman mapupunta sa gobyerno san n...
nyahahahaha may utang rin naman ang GMA hahahaa m...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.