Angeline Quinto, bagong retoke queen?

angeline-quinto

HINDI itinatago ni Angeline Quinto, bagkus ay proud pa nga siya, na sasailalim siya sa cosmetic surgery para ayusin ang ilang bahagi ng kanyang katawan. Isina-publiko ng Kapamilya actress/singer ang mga ireretoke sa kanya bilang bahagi na rin ng kanyang pagiging bagong celebrity endorser ng Belo Medical Group.

Unang gagawan ng correction procedure ang kanyang ilong na sa tingin niya’y disproportionate ang la- ki sa kanyang mukha. “Ngayong pumayat ako, mas lalong napansin ng mga tao na malaki ang ilong ko talaga,” sabi ni Angeline. Wala naman raw problema sa shape ng kanyang ilong kundi sa size lang talaga nito.

Aayusin rin ang kanyang mata dahil marami na raw nagsabi sa kanyang kaibigan na mukha itong laging malungkot kung titingnan. Sasailalim rin siya sa liposuction sa may bandang back area ng katawan.
Gustong ipatanggal ni Angeline ang kanyang baby fats.

Lastly, inamin ng Kapamilya star na rati pa man ay nag-a-undergo na siya sa glutathione treatments para maibsan ang sobrang pagpapawis ng kanyang kili-kili. Sa tulong ni Dr. Vicki Belo ay may bagong procedure silang isasagawa sa kanya, including some botox treatments para ma-solusyunan ang problema ni Angeline rito.

Para kay John “Sweet” Lapus, walang dahilan para umani ng batikos ang kaniyang malapit na kaibigang si Kris Aquino dahil lang sa sinabi nitong balak niyang tumakbong Bise-Presidente ng bansa sa 2016.

Nasa dugo lang raw talaga ng Queen of All Media ang pagsisilbi sa kanyang kababayan.

“Of all people, Kris is one of the most capable to run for politics,” sabi ng host at stand-up comedian.

“Kahit nasa showbiz siya, tumutulong siya sa mga kaibigan niya, sa mga fans niya, sa mga kababayan natin na nangangailangan. What more kapag siya ang naging Vice-President ‘di ba?” dagdag ni Sweet.

Pinaghahandaan ngayon ni Sweet ang isang aniya’y special concert para i-celebrate ang kanyang 20th anniversary in showbiz. Titled Sweet In A Box, may mga production numbers and skits siya rito na ta- talakay sa aniya’y pagkakahon o stereotyping sa ilang mga celebrities at maging ng ilang mga demographics.

Isa sa mga napansin raw ni Sweet na sa local showbiz ay parang kinakahon ang mga katulad niyang nasa third sex na hanggang pagiging komedyante lang ang puwede nilang maabot.

Ikinalulungkot rin niya ang sabi pa niyang pagkakahon sa ilang pop culture figures gaya ni Madam Auring na ngayon ay nakaratay dahil sa kanyang malubhang karamdaman.

Kinumpirma ng host/comedienne na si Chariz Solomon na dalawang buwan na siyang buntis.

Wala pa raw sa plano nila ng businessman-hubby niyang si Nestor Ng ang magkaroon ng baby pero ngayon ay very much elated silang dalawa sa development na ito.

“Plano talaga namin ni Nestor na after na lang ng taping ko para sa Unforgettable kami gumawa ng ba by pero napaaga ang blessing sa amin na ito ni God,” sabi ng host/comedienne.

Hindi naman raw maselan ang paglilihi ni Chariz dahil kahit anong prutas raw ay kanyang kinakain.

“Pero ang pinaka-gusto ko talaga ay ‘yung orange na nilalagyan ko ng asin,” paglalahad pa ni Chariz Solomon.

For comments and suggestions, puwede n’yo akong iemail sa rod. yabis@yahoo.com or itext sa Smart 09395534439 or Globe 09054405849.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply