Halalan sa Mayo, uulanin ng protesta

colmenares

POSIBLENG ulalin ng protesta ang Commission on Elections ng mga talunang kandidato matapos ang eleksyon sa Mayo.

Ito ang naging babala ng ilang kongresista dahil sa posibilidad na mapawalang-bisa ang resulta ng halalan ngayong may 2013 midterm election.

Ito ay matapos mabigo ang Comelec na makuha ang source code na siyang magde-determina ng detalye ng bilang na gagawin ng PCOS machines.

Ipinaliwanag ni Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares, vice chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms,  na sa halip na source code ay binary code ang ginamit ng Comelec kung saan hindi nare-review ang boto dito.

Tiniyak ng kongresista na kwestyunin ng mga matatalong kandidato ang resulta ng eleksyon dahil sa kawalan ng transparency sa bilangan ng boto at ipadeklarang imbalido ang resulta ng botohan.

Malaking problema ito, ayon sa mambabatas, sa mismong araw ng halalan kung hindi pa ito aaksyunan ngayon ng komisyon.

Nababahala ito dahil tiyak na mapagdududahan ang resulta ng halalan.

Labag din umano ito sa Republic Act 8436 kung saan sinasabing dapat ma-certify na gumagana ng maayos at accurate ang hardware at software components kabilang na ang source code, 3 buwan bago ang eleksyon.

One Comment

  1. elgee

    April 25, 2013 at 6:09 pm

    Ano ba naman itong mga tao’ng ‘to! Kaya nga computerized election para mas madali at mabilis ang pandaraya ng comelec. Ang comelec ang pangunahing mandaraya sa election na ito para masiguro na ang mga may basbas lang ng Malacanang ang mananalo at mabilis na mai-proklama. Kapang nai-proklama na ang mga bata ng Malacanang, maghabol na sa tambol-mayor ang mga matatalo dahil sa Comelec din ang bagsak ng kanilang protesta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>