2 kongresista pasok sa 12 na senador

SWAK na sa Magic 12 ang dalawa sa apat na kongresista na tumakbong senador.

Nananatiling nasa ika-anim na pwesto si Aurora Rep. Sonny Angara ng Liberal Party samantalang nasa pang-11 naman si JV Ejercito-Estrada ng United Nationalist Alliance sa partial unofficial result sa nagdaang eleksyon.

Sa pinakahuling bilang na ipinalabas ng PPCRV, si Angara ay nakakuha na ng 11,388,318 at si Ejercito ay 9,734,207.

Sa panig naman ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na kahit naka-hospital arrest ito sa Veterans Medical Memorial Center (VMMC) ay tila landslide ang resulta ng eleksyon sa ikalawang distrito ng Pampanga na nangangahulugang makababalik sa 16th Congress si GMA.

Napanatili rin ng kaniyang anak na si Dato Arroyo ang kalamangan sa congressional race sa ikalawang distrito ng Camarines Sur, laban sa katunggaling si L-Ray Villafuerte.

Sa ikatlong distrito ng Camarines Sur naman ay nanalo na si Atty. Leni Robredo, ang maybahay ng yumaong si dating DILG Secretary Jesse Robredo.

Sa ika-apat na distrito ng Camarines Sur ay tila makapapasok si Aga Muhlach kontra sa kalaban nitong si Whimpy Fuentebella dahil sa patuloy na paglamang actor.

Sa San Juan ay naiproklama na ang nagbabalik na si Ronaldo Zamora.

Si Annabelle Rama ay nananatiling kulelat naman sa kalaban na si dating Rep. Raul Del Mar.

Nangunguna rin ang nadiskuwalipikang si Rep. Lucy Torres Gomez sa Leyte Fourh District sa karibal na si Eric Codila.

2 Comments

  1. I am Pisikology

    May 14, 2013 at 2:52 pm

    Buti ngang matalo si Bisaya. Lalo lang magiging mayayabang ang mga anak nya pag naupo siya sa pwesto.

    • chocoleit gil

      May 14, 2013 at 4:14 pm

      PATAY NA NAMAN ANG SHOWBIZ NIYAN,,,BABALIK YAN SA PAGIGING TALENTS MANAGER,,HAHAHHAHA GUGULUHIN NA NAMAN NIYAN ANG SHOWBIZLANDIA,,,YAHAHAHAH

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>