Dahilan bakit takot ang ilang kalalakihan sa commitment

KARAMIHAN sa lalaki ay mahal na mahal ang kanilang kalayaan. Para sa kanila, hindi basta-basta ang makipag-commit dahil ang kahulugan noon  ay kompromiso, kawalan ng kalayaan at malaking sakripisyo.

Ayon sa askmen.com, mayroong ilang dahilan ang  kalalakihan kung bakit tila ‘allergic’ sila sa commitment at ito ang mga sumusunod:

No more freedom—Ang kalalakihan umano ay likas na independent. Gustung-gusto nila na malayang gumawa ng sarili nilang desisyon, gawin ang gusto nila at kusang paikutin ang kanilang mundo sa sarili nilang pananaw. Pero oras umano na pumasok ang isang babae sa kanilang buhay, lahat ng kanilang ikikilos at gagawin ay kinakailangan pa munang sabihin at ipaalam kung saan kalimitang sagot naman “HINDI PUWEDE”. Kaya tuloy feeling nila, naka-trap sila sa gusto lamang ng babae.

Loss of space—Kapag committed na, pakiramdam nila ay nawawalan na sila ng panahon para sa mga “guy thing” gaya ng pagkahilig sa sasakyan, paglalaro ng basketball, panonood ng action movie  at iba pa.

One sex partner, forever—Ayon sa kanila kapag committed na sila, nangangahulugan lamang na mapipilitan silang talikuran ang iba pang sexual pursuit nila lalo na iyong guys na mahilig sa nightlife. We’ve been burned before—Once na makipaghiwalay sila, karamihan umano sa kanila ay ayaw na muling sumugal sa seryosong pakikipagrelasyon dahil sa trauma.

The emotional baggage—Lumalabas lamang daw ang tunay na ugali ng isang babae kung kailan sila na ng lalaki. At once na makilala nang husto ni lalaki ang tunay na kulay ng kanyang karelasyon, hindi na niya puwedeng basta na lang talikuran ito dahil committed na nga sila sa isa’t isa.

Lack of compromise—Para sa kalalakihan, isang kompromiso ang commitment. Dapat daw fair ang labanan. Pero para sa girls, ang kahulugan ng kompromiso ay “gawin mo ang gusto ko kung hindi maghiwalay na lang tayo!” Lumalabas daw tuloy na kailangan nilang laging i-please ang gusto lang ng babae.

Loss of free time—Dagdag trabaho at pressure lamang para sa mga lalaki ang seryosong pakikipagrelasyon. Dahil sa sila ay committed na, nangangahulugan lamang daw na responsibilidad na nila ang makasama ang kanilang GF at hindi na nila pupuwedeng tanggihan ang anumang plano nito.

Not ready for it—Ayaw ng mga lalaki na magpatali agad dahil hindi pa sila handa financially, emotionally at spiritually. Katwiran nila, madali lang naman ang makipag-commit sa babae lalo na kung handa na sila at may sarili na silang bahay o matatag na trabaho.

Can’t trust a woman—Para sa ilang lalaki, mayroon daw mga babae na hindi madaling pagkatiwalaan. May mga pagkakataon kasi na naghahanap pa ng ibang lalaki ang babae lalo na kapag nakikita nilang mas mayaman at mas guwapo ito kaysa BF niya. She applies pressure—Para sa maraming babae, gusto nila ang agad na makasal kapag feeling nila ang kanilang BF na ang right guy para sa kanya kaya minsan, pine-pressure nila ang lalaki na mag-settle down kaagad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>