EPEKTIBONG ISTRATEHIYA

bobby-ricohermoso

bobby-ricohermosoNAGKATAPAT ang mga kilalang political at media strategist na sina David Axelrod at Mark Penn sa 2008 Democratic presidential primaries para sa kampanya ng magkaribal na sina Barrack Obama at Hillary Rodman Clinton.

Tanggap ng marami ang pagiging bihasa ni Axelrod sa pagpapakilala ng kanyang kliyente sa mga tao na kayang mailagay sa loob ng 30 seconds ang buong buhay at pagkakakilanlan ng isang tao o kandidato.

Kilala namang isang pollster si Penn dahil mabusisi siya sa mga datos at inaalam niya kung anong mga mensahe at isyu ng kanyang kandidato ang makakukuha ng boto.

Sa simula pa lang ng naturang primaries, ang malalawak na tema ng “change” at “hope” at isang magandang kuwento ang dala-dala ni Obama habang “experience,” pragmatismo, at mga natatanging programa at plataporma naman ang kay Clinton.

Dahil sa mahusay na direksiyon at desididong estratehiya at taktika nina Axelrod at Penn para sa kanya-kanya nilang kandidato, naging gitgitan at humaba ang labanan nina Obama
at Clinton para makuha ang nominasyon ng ka-nilang partido.

At alam na natin kung sino kina Obama at Clinton ang nanalo.

***

KAYA  naman kapansin-pansin na ang mga estratehiyang ito rin ang ginamit ni Team PNoy senatorial candidate Edgardo “Sonny” Angara.

Makikita sa brand ni Angara ang “Senador Solusyon” ang pagiging positibo at pagkakapareho sa “change” at “hope” ni Obama pero hindi siya eksklusibo rito.

Kung titingnan ang kanyang record sa Kongreso bilang Aurora representative, mamamalas na hinog na hinog na siya sa karanasan dahil sa paglikha ng mahigit 200 panukala na naisabatas tulad ng Universal Kindergarten Act at Expanded Senior Citizens Act.

Mapalad tayong Pinoy electorate ngayong mid-term elections dahil  tumatakbo si Angara na bitbit ang positibong mensahe ng solusyon at mahusay na track record.

One Comment

  1. Dale J. Reed

    May 11, 2013 at 1:33 am

    “CHANGE” has been one of the favorite words of the decade. It got Barack Obama elected to be President of the United States.”. ‘PAGBABAGO” rin ang ipinangangako ng mga politiko sa Pilipinas. It has now also being used as the battle cry of candidates in the Philippines as the campaign for the May 10, 2010 election heats up.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>