Erap, bagong mayor ng Maynila

PORMAL nang iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec) si dating pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada bilang bagong alkalde ng lungso ng Maynila.

Ito’y matapos na babaan ng Comelec ang threshold ng mga boto na kinakailangan upang makapag-proklama ng mga nanalong kandidato sa local level.

Kaugnay nito, matapos na mabilang ng City Board of Canvassers ang 96% ng mga boto sa lungsod ay kaagad na nitong iprinoklama si Erap ng United Nationalist Alliance (UNA) na nakakuha ng 343, 993 boto.

Tinalo ni Estrada sa lamang na 35,449 boto si incumbent Mayor Alfredo Lim ng Liberal Party (LP) na may botong 308, 544.

Samantala, naiproklama na rin naman ang running mate ni Estrada na si Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso bilang vice mayor-elect ng Maynila.

Nagtamo ng landslide victory si Domagoso laban sa kanyang kalaban na si Lou Veloso, sa lamang na mahigit 100,000 boto.

Nabatid na ang Maynila ay may kabuuang 900,000 rehistradong botante ngunit halos 650,000 lamang sa mga ito ang bumoto sa May 13 midterm elections.

Kaugnay nito, sinabi ni Estrada na plano niyang tutukan ang peace and order sa lungsod upang mapalitan ang imahe nito na may pinakamataas na crime rate sa bansa.

Ang Manila mayoral race ang isa sa ikinukonsiderang pinakamatindi ang labanan sa katatapos na halalan dahil parehong malakas sa mga botante ang magkalabang kandidato, na dating magkaalyado ngunit malaunan ay naging magkatunggali.

Sinabi naman ni Estrada na anuman ang nagawa sa kanyang kasalanan ni Lim, partikular na nang iwanan umano siya nito sa ere noong patalsikin siya sa pwesto bilang pangulo ng bansa, ay napatawad na niya ito.

Gayunman, sinabi ni Estrada na hindi niya alam kung mapapatawad si Lim ng mga taumbayan dahil sa ginawa nito sa kanya.

Sa isang pahayag sinabi rin ni Estrada na, “I thank the great people of Manila for putting a true son of Manila at the helm of the Philippine capital city.”

“Dear Manileños, I will not fail you. I was born in Manila, and I will die working to bring back the glory and pride to Manila,” aniya pa.

Hindi ito ang unang pagkakataon na tinalo ni Estrada sa halalan si Lim matapos na siya rin ang magwagi nang pareho silang tumakbo sa pagka-pangulo noong 1998.


Leave a Reply

*
tama lang po na hindi ipakilala ang nanalo sa lott...
AYAN NAPALA MO MARIEAL SUMAMA KA DYAN KAY WILLIE A...
OHHH KAPAY? BAKIT KA AFFECTED? WAHAHAHAHA IDOL MO ...
KAPAY KAPAY ... EASY EASY ANG BLOOD PRESSURE ,O LO...
NYAHAHAH KAPAY DI NA BUMENTA YANG PRALALA MO NA CO...
nyahahahah si Luis gagastos ng/ engagement ring s...
nyahahahah ' kapay' yung Starlet ninyong malaki a...
nyahahahah " kapay" hayan halatang nagsisinungalin...
nyahahahaha 'kapay' bhukeet alang Commercial load...
nyahahahhaha korek pero wala sa report nila yung...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.