Homemade beauty treatments for you

KUNG may mga pagkaing homemade na mas masarap pa kaysa sa komersyal na pagkain, may homemade beauty treatments din na mas mainam, mas natural, mas epektibo at hindi pa nangangailangang gumastos ng malaking halaga.

Ano-ano ang mga ito? Check it out:

ASUKAL–––Kung ang inyong balat ay tipong nanunuyo o nagbabalat, ito ang tamang panahon upang mabigyan ng epektibong panghilamos. Sa halip na gumamit ng chemical exfoliant, bakit hindi subukan ang natural exfoliant sa pamamagitan ng pinaghalong asukal at honey (pulut pukyutan)?

Maghilamos muna ng tubig, pagkatapos ay pahiran ng honey ang mukha at saka lagyan ng brown sugar. Patagalin ng ilang segundo at saka ikalat sa pamamagitan ng daliri sa paikot na paraan, saka linisin ng maligamgam na tubig. Maaari rin itong gamiting pampalambot ng mga palad.

BAKING SODA––––Isa ang baking soda sa tinaguriang all around beauty treatment na makatutulong upang paputiin ang ngipin (haluin lamang ang baking soda at tubig saka i-brush sa ngipin). Gusto nyo rin bang maging relax ang inyong pagligo? Dagdagan lamang ng kaunting baking soda ang maligamgam na tubig. Malaking tulong din ito upang maalis ang mga dead skin sa siko at tuhod, (pakuluin lamang ang baking soda na parang pandikit saka ipahid sa nabanggit na parte ng katawan).

CALACHUCHI AT ROSAS–––Malaking tulong upang maging relax sa maghapong trabaho ang pagligo ng maligamgam na tubig na may mga bulaklak ng calachuchi at rosas.  Una, mag-init ng tubig (kung walang automatic hot tub), dagdagan ito ng malamig na tubig at ibabad ang mga bulaklak ng calachuchi at rosas sa loob ng 30 minuto bago ibabad ang katawan.

ITLOG–––Alam nyo bang ang itlog ay isa sa pinakamurang paraan upang mapaganda ang inyong kutis gayundin upang magkaroon ng malusog at makintab na buhok? Paano? Madali lang!

Ilagay o ipahid sa mukha ang puting bahagi ng itlog upang mapasikip ang balat sa loob ng 15 minuto at saka linisan. Ang dilaw na bahagi naman ay maaaring ihalo sa tubig (depende ang dami ng tubig sa haba ng buhok) para maging conditioner.

Ang resulta, malambot at makintab na buhok. Subukan nyo!


Leave a Reply

*
isa ka ring bulag doods..baka ikaw c kris....nora ...
Tama si Ate Vi, damn if you do, damn if you don't....
Diyos ko, epitome of graciousness? If I know nagng...
Mariang Makiling...khit nmn ako o tayu laht mali p...
Maglabas ka ng ebidensiya mariang palad ay makilin...
Hoy Bakla d nman halatang maka Vilma ka dahil ba i...
Hindi lang ang choreographer ang may kasalanan dya...
Ano ba itong babaeng ito, parang walang breeding t...
Kaya pala sobrang blessings meron itong si Daniel ...
Nakarespeto ang mga kabataang ganito na hindi lang...

BREAKING NEWS


© 2014 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.