Iglesia, Quiboloy, Muslim group bitbit si Angara

angara

angaraTODO BUHOS at walang patid ang pagsuporta ng iba’t-ibang tinitingalang personalidad at religious groups sa kandidatura sa pagka-senador ni Aurora Rep. Edgardo “Sonny” Angara.

Matapos makuha ang pag-endorso nina Senadora Miriam Defensor Santiago, Kris Aquino, at ng tanyag na prodyuser ng pelikula na si Mother Lily Monteverde, ang mga malalaking religious groups naman ngayon ang nagpahayag ng kanilang suporta sa pagtakbo ng kongresista mula sa Aurora.

Kamakailan, lumutang ang pangalan ni Angara sa listahan ng mga bibitbiting kandidato ng maimpluwensiyang Iglesia Ni Cristo sa halalan sa Lunes.

Sa ipinamahaging sample ballot sa mga miyembro ng INC kamakailan ay kabilang sa mga pangalang susuportahan nito ang Harvard-trained na abogadong si Angara.

Ang Iglesia ni Cristo ay kilala sa pagkakaisang pagboto at karaniwang hinihintay ng maraming sektor ang pag-endorso nito dahil sa solidong boto.

Samantala, sa pamamagitan ng isang press conference sa Davao nung Huwebes, pormal na ring inihayag ni  Pastor Apollo Quiboloy, ang tanyag na lider ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, ang pagsuporta nito sa pagtakbo ni Angara.

Kilalang puntahan ng mga tumatakbong kandidato, nasyonal man o lokal, ang naturang religious leader mula sa Davao upang hingin ang basbas nito.

At nitong Biyernes naman, inindorso rin si Angara ng isang malaking Muslim community sa Maharlika, Taguig.

Pinangunahan ni Brgy. Captain Yasser Garnace Pangandaman ng Maharlika Village at miyembro ng isang tanyag na Muslim royal family ang pagpapahayag ng suporta ng grupo kay Angara.

Malugod naman itong tinanggap ni Angara sabay sabing “hindi masasayang ang tiwala niyo sapagkat sakaling ako po ay palaring maging senador, susuklian po natin ito ng tapat na paglilingkod.”

Si Angara ang itinuturing isa sa pinaka-prolific na miyembro ng Kongreso. Isa sa siya sa may pinakamaraming naipasang batas simula taong 2004.

Matatandaang si Angara ang nag-akda ng ilang mahahalagang legislations tulad ng Kindergarten Act, Expanded Senior Citizen Act, Magna Carta for Women, Tourism Act at marami pang iba na may kinalaman sa edukasyon, kalusugan , karapatan at kabuhayan.

Siya ay nagtapos ng kolehiyo sa London School of Economics, at kumuha ng abogasya sa UP College of Law.

Ang nasabing solon ay kumuha ng kanyang Master of Laws sa Harvard Law School, at naparangalang isa sa mga Ten Outstanding Young Men for government service noong taong 2010.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply