Jackie Rice, happy na maging comedian sa Bubble Gang dahil sa nakakaalis ng stress!

ALAM ni Jackie Rice ang ginagawa niya sa Bubble Gang tuwing Friday night. Tuwang-tuwa siya sa pagpa patawa niyang ginagawa dahil magaan sa kalooban ito at masaya ka lagi sa set. Walang tension na tulad sa soap niyang ginagawa na lagi siyang umiiyak at nagagalit. Tulad ngayon sa Bukod Kang Pinagpala ay lagi siyang galit at umiiyak dahil bida-kontrabida ang role niya sa soap.

Dahil regular mainstay na si Jackie sa Bubble Gang bilang members ng Bubblets na kinabibilangan rin nina Sam Pinto, Gwen Zamora at Ellen Adarna, nakatatrabaho na rin niya ang mga datihang comedians ng show na sina  Ogie Alcasid, Michael V, Maureen Larrazabal at Rufa Mae Quinto.

Hanga sila sa lahat ng senior stars ng BG, katwiran ni Jackie ay kaybilis ng mga itong magpatawa. Parang natural na lumalabas sa katawan at isip nila ang mga pinaggagawa para lang matawa  ang kanilang audience.

Last Friday ay pumasok na ang mga aspiring comedians ng show na nakuha sa auditions. Out of 30 finalists sa pagiging comedian, pipili lang ng ultimate winner sa 30 na magiging regular member ng cast ng BG.

***
Direk Jose Javier Reyes, mas gustong  mag-sulat ng script kaysa magdirek ng soap opera
 
MATAGAL nang walang soap opera na idinidirek si Jose Javier Reyes. Katwiran nito, mahirap magdirek sa edad niya ngayon ng soap opera. Nakapapagod ang sunud-sunod na araw ng taping. Mas gusto niyang gawin ngayon ang maghost ng talk show na tulad ng Ang Latest na napanonood tuwing 11 pm sa TV 5, Monday to Friday.

Bukod sa hosting, hindi rin iiwanan ni direk Reyes ang pagsusulat ng script. Sa pagsusulat siya unang nakilala sa showbiz. Para kay direk Reyes ay mas madali sa kanya ang magsulat.

Sa Ang Latest show niya bilang co-host ay nagagawa niyang ibigay ang sarili niyang opinion na ang pinag-uusapan ay tungkol sa local showbiz.

Pero ngayong buwan ng Mayo ay magsisimula siya ng isang indie film na ilalahok niya sa Master Directors Film Festival sa September na ipalalabas sa SM Megamall. Kukunan ang bawat pelikula sa lugar na kinalakihan ng direktor para maglahad ng istorya na totoong nangyayari sa kanilang lugar at para mai-promote rin ang turismo ng kani-kanilang lalawigan.

Ang entry ni Direk Reyes ay ang Ano ang Kulay Ng Mga Nakalimutang Pangarap na siya rin mismo ang nagsulat ng script. Tampok na artista sina Ryan Agoncillo, Eula Valdez at Rustica Carpio.

***

Marvin Agustin: Talented lahat ang mga Karinderya Warriors na kanyang finalists

NGAYONG linggo sa Karinderya Wars, nagulantang ang mga natitirang Warriors sa pagbabalik ng mga nauna nang ma-eliminate na mga kasamahan. Threatened naman kaya ang mga natitirang finalists?

“Talented lahat ng mga Karinderya Warriors at naisip naming bigyan ng isa pang chance para mag-compete ang mga natanggal na,” ani Sir Chef Marvin Agustin. “Kailangan marunong at mabilis mag-adapt ang mga Warriors sa stage na ito ng show. Naiintindihan kong pwedeng threatened ang mga natitirang finalists sa wildcard round na ito pero test talaga ‘yan ng galing nila,” dagdag niya.

Manood lang ng Karinderya Wars dahil pwedeng manalo ng load at cash ang mga maswerteng sasali sa Watch ‘N Win promo nito. Mula ngayon hanggang May 31, abangan lang ang Question of the Week na ipa- lalabas sa show at sagutin ito ng tama. I-text ang tamang sagot sa 5656 (para sa SMART and SUN subscribers) sa ganitong format: KWARS (space) <letra ng tamang sagot>. Maaring maging isa sa 10 mga viewers na mananalo ng PhP300 load araw-araw. May isa ring maswerteng viewer na mananalo ng PhP5,000 kada linggo.

Kaya tutukan na ang mga umiinit na tagpo sa kauna-unahang luto-negosyo competition sa bansa: ang Karinderya Wars! Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 11:15 ng umaga bago mag-Wowowillie sa TV5.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply