Kahit walang pera: Mga paraan para mapasaya ang sarili

MINSAN ang akala ng lahat, upang maging masaya ay dapat magkaroon ng perang gagastusin. Ang totoo, kailangan lang gumawa ng iba’t ibang pagbabago ang isang tao sa kanyang buhay para maramdaman niyang naging masaya siya at nakontento sa buhay.

Malalim ba? Well, ganito po ‘yun. Alam n’yo bang may mga simpleng bagay o nagagawa ang isang tao na hindi maaaring tumbasan ng salapi pero nagdudulot ng labis na kaligayahan?

Halimbawa na lamang ang pagmamahal at respeto. Medyo mabigat pa nga ‘yan eh. Kaya kung sakaling wala man kayo niya??? Hmmm…

Narito ang ilang paraan para mapasaya ang sarili kahit sa pinakasimpleng mga paraan.

MAG-ALAY NG MUNTING PANALANGIN–––Sa halip na humingi ng kung ano-ano kay God, bakit hindi muna magpasalamat sa lahat ng biyayang inyong natanggap. Sa ganyang paraan, malalaman n’yo guys kung gaano nga ba kabait si Lord sa inyo.

I-PAMPER ANG SARILI––––Kung wala rin lang ibang magawa, libangin ang sarili sa pagbabasa at manatili sa loob ng iyong kuwarto nang walang pakialam kung buong araw ka mang nakahilata rito.

TAWAGAN ANG MGA KAIBIGAN–––Minsan sa sobrang abala ng lahat, nakakalimutan na ang mga kaibigan. Kaya mainam kung tawagan sila kahit isang beses sa isang araw para lang sila ay kamustahin.

ALAMIN ANG ILANG MGA BAGAY SA TAONG HINAHANGAAN–––Minsan, walang masama kung alamin man ang mga bagay-bagay tungkol sa taong inyong hinahangaan. Tiyak na ang kaunting impormasyon na ito ay makapagpapasaya sa iyo lalo kapag dumating ang panahon na mag-cross ang inyong landas.

MAGPAKAIN–––Minsan, hindi masamang sipagin na magluto sa bahay at tawagan ang mga kaibigan upang salo-salo itong kainin. Nagkasama-sama na kayo, magiging magana pa ang pagkain ng lahat.

GUMAWA NG KANTA–––Ang pag-iisa, sakit at sayang nararamdaman ninuman ay magiging daan upang makagawa ng sariling kanta. At kapag nagawa ito, wari na ring naibuhos ninyo ang lahat ng nais na sabihin at nararamdaman na tiyak magdudulot ng kagaanan ng loob at lubos na kasiyahan.

MASDAN ANG KAPALIGIRAN––––Madalas, sa rami ng ginagawa ninuman, hindi na nila napapansin ang kagandahan ng kapaligiran. Kaya naman kung kailan lang mapagtuunan ng atensiyon saka nalalaman na may sayang hatid din pala ang iyong kapaligiran.

TUMULONG–––Kahit mabigat o magaan mang paraan ng pagtulong, ito ay may kasiyahang hatid kaninuman. Kaya mainam kung kahit ‘once in a blue moon’ ay maranasan din ng lahat ang makatulong lalo na sa higit na nangangailangan.

MAGLINIS, MAGLINIS AT MAGLINIS–––Kapag nakita ng kahit sinuman ang bunga ng kanilang pinaghirapan, nandoon ang pakiramdam na kaya n’yo pala. Kaya bakit hindi subukang maglinis ng iyong kuwarto, buong bahay maging ng inyong bakuran? Tandaang ang minsang pagkilos ng may pagkukusa ay nakakapagpasaya sa kahit kaninuman.

About Gwenn

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>