Muntinlupa mayor Fresnedi naiproklama na

NAIPROKLAMA na ng Commission on Election (COMELEC) kanina ang  muling pagbabalik alkalde ni Atty. Jaime Fresnedi makaraang talunin si incumbent Mayor Aldrin San Pedro sa Muntinlupa city.

Dakong alas-8 ng umaga nang iproklama si Fresnedi sa People’s Center ng Muntinlupa City Hall kung saan nagbunyi ang mga taga suporta nito gayundin ang mga taga Muntinlupa.

Napag-alaman na kasama sa naiproklama ng COMELEC ay sina Congressman Rodolfo Biazon; Vice Mayor Artemio Simundac at ang mga konsehal na nasa team ni Mayor Aldrin San Pedro.

Batay sa total tally ng COMELEC, nakakuha si Fresnedi ng botong 87, 811 kung saan ay tinalo nito si San Pedro na nakauha lamang ng botong 83, 061 sa naganap na halalan noong Mayo 13, 2013.

Matatandaan, na si Fresnedi ay dalawang ulit na naging mayor ng lungsod ng Muntinlupa at ngayon nga ay muli siyang naihalal at pormal itong uupo sa darating na buwan ng Hulyo.


Leave a Reply

*
nakakatawa talaga ang mga comment ni kristd...haha...
KristD yong ginawa mo rin ditto ay mind conditioni...
Ahahahahahahahaha,bwuhahahahahahaha. Good one. Tw...
yuhooo mga kapamilya " KUPS' Scoop hahahah hinay...
NYAHAHAHA STD LOLA MUZTA NAMAN KEPS MO LOLA MASIKI...
nyahahahah 'kapay' kaya pala nag dabog si Starlet ...
nyahahahahah ang laki talaga ng tawa ko rin ng tin...
nyahahahah ay korek ka ako may kilala rin madal...
nyahahahhaha ' kapay' grabee na talaga ang kalaswa...
nyahahahah korek na korek si gary Sta. Ana...he he...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.