Pulis na nasawi sa eleksyon, itinanghal na bayani

ITINANGHAL ni Interior Secretary Mar Roxas bilang bayani ang pulis na namatay habang naglilingkod sa katatapos na halalan sa probinsya ng Masbate.

Kinilala ni Roxas ang kabayanihan ni PO2 Jesus Apostol sa lingguhang flag raising ceremony sa Camp Crame sa Quezon City, ayon sa hepe ng National Police Commission sa Masbate na si Myrna Guban .

Si Apostol ay inatake sa puso nang ito’y mahulog mula sa bangka at maduro ng makamandag na dikya habang naghahatid ng precinct count optical scan o PCOS machine sa bayan ng San Pascual sa Burias Island.

Isa si Apostol sa dalawang pulis na nasawi habang tumutupad ng kanilang tungkulin sa eleksyon. Ang isa pa ay si PO1 Agerico Afable ng bayan ng Borongan sa probinsya ng Samar na binaril ng hindi nakilalang mga armado habang ito’y nagbabantay sa PCOS machine sa isang presinto sa Barangay Calingatngan.

Ibinahagi ni Guban sa local na media na tinawag ni Roxas ang dalawang pulis na “simbolo ng pagsasakripisyo ng Philippine National Police at isang inspirasyon” sa buong tropa.

Ayon umano kay Roxas, tinupad ng dalawang namayapang pulis ang kanilang tungkulin at binayaran nila ito ng pagsasakripisyo kaya ang dalawa aniya ay bayani ng ating bansa.

Binati ng Kalihim ang buong kapulisan sa aniya’y ipinamalas nilang kakayahan sa pagpanatili sa katahimikan, kaayusan at katotohanan sa May 13 mid-term elections.

Ang katatapos na halalan ay itinuturing na masmapayapa kumpara sa eleksyon nung 2010 at 2007.


Leave a Reply

*
SINO KAYA MATANGGAL SA SASY FLOP HAHAH WAWA MAWALA...
NYAHAHAH MASAKIT TANGAPIN NA TALUNAN KUNG ANO ANON...
nyahahahaha ' kapay' Ilusyon mo lang yan,,,may mag...
KAPAY KAPAY EASY EASY KA LANG .. HAHAHAH NAGLAWAY ...
NYAHAHAHAHA WAHAHAHA KAPAY KAPAY EASY EASY ANG HIG...
PINAGMALAKING MO SEGMENT NA KAKAIBA KUNO STD BUHKE...
AGUYYYYYY AGUY REFORMAT NA ANG ALL STARLETS PARTY ...
Si junior ang composer ng yakap, english ang orig,...
nyahahahah siyempre naman para lalong gumanda ...
nyahahahahah ayy talaga,,sure ka bang binenta nila...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.