Resulta ng halalan, igalang – PNoy

UMAPELA ang Malakanyang sa taumbayan na respetuhin ang resulta ng  nangyaring eleksyon ng bansa.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na inaabangan din nila ang proklamasyon ng Commission on Elections (Comelec) sa mga nanalong senador kung saan lumalabas na 9-3 pabor sa Team PNoy.

Aniya, nagdesisyon na ang sambayanang Filipino na kumakatig sa gobyerno sa pamamagitan ng pagboto karamihan sa kandidato ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sa katunayan aniya ay pinagtibay ng resulta ng halalan ang tiwala ng mamamayan sa liderato ng Pangulo kung saan ay nananalig na magpapatuloy ang reporma sa mga naihalal na bagong mambabatas.

Kontenta ang Malakanyang sa naging takbo ng halalan sa bansa sa kabila ng mga naitalang glitches sa ilang PCOS machines.

Nagpapasalamat din sila sa mga botanteng nagsakripisyo sa pila para bomoto sa kabila ng ilang banta at pressure mula sa mga kandidato

“The work is cut out for all of us: first, to respect the will of the majority; second, to witness the baton of leadership being handed over from one set of leaders to the next on the basis of the people’s will; and third, to stay on the path that the Filipino people have determined by virtue of their vote for change. The victory of Team PNoy is a renewed mandate for tuwid na daan, and a vote of confidence for good governance, the continuity of reforms, and a brighter future to come,” ang pahayag ni Sec. Lacierda sabay sabing “We thank the Filipino people for the support they have shown President Aquino’s agenda of reform and positive change, and we also thank them for doing their part and contributing to the success of these elections. As we in government continue to fulfill the mandate entrusted to us by our Bosses, the Filipino people, it is our hope that the next three years will see our country taking even greater strides along the straight path towards equitable progress, peace, and stability for all.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>