Vice Ganda supalpal kay senator-elect Nancy Binay! (Kris Aquino bakit tikom ang bibig?)

THREE days before the 2013 May Election ay nagpatutsada itong si Vice Ganda sa pamamagitan ng kanyang Instagram patungkol sa senatorial bet na si Nancy Binay.

Ayon sa pagtataray ni Vice Ganda, sana raw tumakbo muna sa mas mababang position itong si Nancy dahil wala pa naman itong experience sa larangan ng politika.

At kasabay na rin na panawagan ni Vice Ganda, na mukhang kabayo at mukhang eng-eng, na dapat raw mag-esep-esep mabuti ang mga tao kung sino man ang ihahalal nila at iluklok sa position (Senator).

Pero kaagad naman itong sinagot ni Nancy or ng kanyang writer na wala siyang pakialam kay Kabayo, este Vice Ganda pala, kung hindi siya iboboto nito. Hindi raw kawalan si Vice Ganda kahit hindi pa niya iboto si Nancy Binay.

Kunsabagay, karapatan yun ni Nancy Binay na resbakan si Vice Ganda Kabayo na hindi naman maganda lalo’t kung alam naman ng mabait na senator-elect na siya ay nasa tamang pagsasalita patungkol sa mga parunggit nitong si Vice.

Kahit na ang inyong lingkod na taga Makati ay parang naalarma sa patutsadang ito ni Vice Ganda kay Nancy Binay.

Alam kasi namin na matulungin ang pamilyang Binay sa Makati lalo pa kaya ngayong nakarating na sa senado si Nancy Binay?

Akala nga namin malaking kabawasan sa boto ni Nancy ang ginawang pambebelat sa kanya ni Vice. Pero nag-number 5 pa sa ngayon ito kaya ang Vice Ganda sobrang supalpal na kahit ano pa ang ginawa niyang paninira or pangmamaliit ay ginusto pa rin ng taong bayan na ihalal ang anak ng ating reigning Vice-President.

Kahit si Kris Aquino na kaibigan ni Vice Ganda ay nauna nang nagsalita na wala siyang pinapanigan kina Vice at Nancy dahil pareho raw niyang kaibigan ang mga ito.

Isa pa sa mga dahilang sinabi ni Tetay na kaya hindi niya mapagsabihan si Vice ay dahil sa takot raw siyang baka talakan siya nito.

Baket naman matatakot si Kris? Kung kinausap naman siguro niya si Vice, baka naman pinakinggan siya nito. Remember, bukod sa kaibigan niya ito,  di ba’t presidential sister naman siya? Abangan nalang ang mga susunod na eksena oras na makapagsimula na sa kanyang trabaho ang mahal ng mga taga Makati na si Vice Presidential daughter at Senator-elect na si Nancy Binay.

***

KALOKA talaga ang drama ng talent manager at bugaw na ito. Meron kasing isang bilyonaryo na kumontak sa kanya para sa isang gabing pagsisiping at kailangan nito ang isang sexy star na sumikat sa isang video scandal.

Dahil wala namang koneksyon or contact ang nasabing talent manager/bugaw sa naturang sexy star ay gumawa pa rin siya ng paraan para maiprovide niya ang request ng naturang bilyonaryo.

Hindi naman nabigo ang talent manager dahil meron siyang isang bugaw na kakilala at may alagang kahawig talaga ng subject nating sexy star na sumikat sa video scandal.

Bukod pa roon, dinala pa ng talent manager/bugaw ang girl sa isang mahusay na makeup artist at pina ayusan kaya instant naging kamukha talaga ng nasambit na girl ang pinagnanasaan ng naturang bilyonaryo.

Ang nakakaloka pa, napresyohan ng nasabing bugaw ang pipitsuging pokpok ng tumataginting na 300k at kaaagad namang nai-givesung ang datung dahil balewala naman ito sa ombreng milyonaryo. Pero ang the worse, 20k lang pala ang binigay sa naturang pokpok, 10k sa nagbugaw at 5k sa nagmake-up kaya di hamak na mas malaki ang kinita niya compared roon sa nagpakahirap na tumihaya.

Kaloka talaga ang talent manager/bugaw na ito dahil waging-wagi siya at hindi naman nabuko ng bilyonaryo na peke pala at di naman yung sexy star na pinagnanasahan niya ang binigay sakanya ni Talent Manager/Bugaw.

After one week ay muling pinakontact ni bilyonaryo sa nasabing bugaw talent manager ang isang aktres na pa-wholesome ang image. Ang sabi pa ng bilyonaryo, name your price.

“Babayaran ko to kahit magkano basta’t mapasaakin lang siya!”

Syempre, excited nanaman ang kontrobersyal na talent manager/bugaw kaya nag esep-esep siya kung sino ang gagawin niya na darna (este nag darna kasi yung babae), este pa-wholesome image na aktres para sa naturang bilyonaryo.

At dito pumasok sa eksena ang isang alaga niyang babae at kaagad na pinamakeup-an sa kanyang make-up artist. Matapos raw na makeup-an ang nasabing girl, nag mukhang kahawig talaga ng subject natin na pa-wholesome ang image na aktres. Another 400k na tumataginting nanaman ang ginivesung ng bilyonaryo kay talent manager. Hahaha!!

Akala kasi namin, tumigil na sa gawaing pambubugaw ang nasambit na talent manager pero hindi pa rin pala kahit na nagsalita na ito noon na tumigil na siya dahil mayaman na naman siya!

Ito kaya ang dahilan kung bakit isang buwan lamang ang nakaraan, nahold-up ang talent manager at ti nangay ang kanyang brand new car na naglalaman ng mamahaling bag at mga alahas? Hindi kaya nabuking siya ng nasambit na bilyonaryo at pinatrabaho siya nito dahil sa ang balita namin, marami itong konek sa mga kidnappers at bank robbery hold-up.

Handang handa na ang mga taga-Whitebird entertainment bar para sa kanilang grand event na may konek sa kanilang ika-13th year anniversary ngayong May 28.

Bukod kasi sa pagrampa ng nakahubad ng mga gwapong otoko, may sorpresa pa silang nakalaan para sa mga masugid nilang parokyano. Di ba naman, sir Jordan at sir Joven?

Watch out! ngayong May 28 na po ito at para sa mga detalye tawagan lamang po si Mama Gretaloka sa kanyang Cellphone number na #09087331741.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply