15 entries isinumite para sa 2013 MMFF

TUWING Christmas day, bukod sa mga gift, masasarap na pagkain at family gathering, inaabangan rin ng mga Pinoy ang walong pelikulang magpapatalbugan sa Metro Manila Film Festival.

Bago pa man ang araw ng pagpapalabas (sa araw ng Pasko) ng mga entry ay nakapili na ang mga manonood kung anong movie ang susuportahan, maaaring dahil sa paborito nila ang bida, o hilig nila ang genre (drama, horror, comedy, etc,) o kaya naman ay dahil na-curious o nagandahan sa TV ad/trailer nito.

Bata pa lang ako, ako at ang aking mga kalaro ay inaaabangan na ang mga pelikula na maglalaban sa MMFF. Napupunta ang bahagi ng aguinaldo na ibinigay sa amin ng aming mga ninong at ninang sa movie na nais naming panoorin. Ilan sa pinanood namin ay mga nagwagi sa nakalipas na MMFF gaya ng Rizal, Magic Temple, Magic Kingdom, Sa Piling ng Aswang, Dekada ’70, Kasal Kasali Kasalo at Shake Rattle ‘N Roll at marami pang iba.

Maituturing na tradisyon na rin ang panonood ng film fest tuwing Christmas season. At magpapatunay dito ay ang pagtabo sa takilya ng mga pelikula nitong mga nakalipas na festival. Hindi biro ang kinita ng mga nag-top sa takilya. Limpak-limpak na salapi ang kinita ng maraming pelikula nitong nakalipas na taon. Nitong nakaraang taon, pinakapinanood sa MMFF ang movie na pinagbidahan nina Vice Ganda, Kris Aquino at Ai-Ai delas Alas, ang “Sisterakas”, kung hindi ako nagkakamali ay kumita ito ng halos o lagpas sa P400 milyon. Hinirang ito bilang highest-grossing film of all time. Bongga, kaya namang dahil dito ay tinanghal na “Phenomenal Star” ng Box Office Awards sina Kris, Vice at Ai-Ai.

Ngayon, ay ini-reveal na ang 15 pelikula na isinumite ng iba’t ibang movie outfit. Walo sa mga movie na ito ang magiging opisyal na entry sa darating na MMFF sa Disyembre.

Ilang malalaking pangalan at hottest stars ang bida sa mga isinumiteng pelikula gaya nina Maricel Soriano, Vice Ganda, Vic Sotto, Piolo Pascual, Eugene Domingo, Bong Revilla, Robin Padilla, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo at Kris Aquino.

Narito ang mga 15 entries na nais na makuha ang walong slot.

1. Kaleidoscope World (Melcor Enterprises)
– Sef Cadayona at Yassi Pressman

2. 10,000 Hours (Phil Film Studio)
– Robin Padilla

3. Ibong Adarna (Gurion Entertainment)
– Rocco Nacino, Joel Torre, Angel Aquino, Leo Martinez, Ronnie Lazaro

4. San Pedro Calungsod, Batang Martir (Hubo Productions)
– JM de Guzman, Christian Vasquez

5. Boy Girl Bakla Tomboy (Viva Films and Star Cinema)
– Vice Ganda at Maricel Soriano

6. Be Careful With My Heart (ABS-CBN Productions Inc.)
– Richard Yap at Jodi Sta. Maria

7. Pagpag (ABS-CBN / Skylight / Regal)
– Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

8. Sa Ngalan Ng Ama, Ina at Mga Anak ( Kuratong Baleleng )
– Robin Padilla, Daniel Padilla, at Mariel Rodriguez

9. Kimmy Dora prequel (Spring Films)
– Piolo Pascual at Eugene Domingo

10. My Super Kap (Imus Production)
– Bong Revilla, Ogie Alcasid, at Toni Gonzaga

11. Torky And My Little Bossing (OctoArts/MZET/APT/Kris Aquino Production)
– Vic Sotto at Kris Aquino

12. Hope In A Bottle (Quantum)
– Ruffa Gutierrez, Maja Salvador, Angeline Quinto

13. Everybody Loves (Gung Ho Films Manila)
– Jake Cuenca, Jericho Rosales, Megan Young, at Maja Salvador

14. Boy Golden (Scenema Concept Intl.)
– Jeorge Estregan Jr. at KC Concepcion

15. Kulay Abo Ang Langit (Hubo Productions)
– Carla Abellana, Diether Ocampo, Cherie Gil at Matteo Guidicelli

Batay sa list ay talaga namang exciting ang MMFF this year. May datihan na (Kris, Vic, Bong Revilla etc) at may mga bago ring aabangan (Maya-Ser Chief tandem, KathNiel). Hay, ngayon pa lang ay nae-excite na aketch. Anu-ano kayang movie ang makakapasok this year. Yan ang ating abangan!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply