Hikaw sa dila, nalunok ng dalagita

INOOBSERBAHAN pa sa pagamutan ang isang dalagita matapos malulon ang kanyang hikaw sa dila sa Davao kaninang umaga (Hunyo 9).

Ito’y matapos makita sa ikinasang x-ray examination sa biktimang si Lalaine Joyce Rodriguez, 16, ng Panacan, Davao na wala sa kanyang lalamunan ang hikaw na nakakabit sa kanyang dila bagkus ay nakita sa kanyang tiyan.

Sa kuwento ng ina ng biktima na si Pinky, pinagalitan niya ang anak dahil sa hikaw nito sa dila kaya tinanggal ng dalagita ngunit kinagabihan ay muling ibinalik.

Nagulat nalang kinabukasan ang biktima nang wala na ang hikaw sa dila nito at nang hanapin sa sahig ay hindi rin niya makita.

Ayon naman sa mga manggagamot, isasailalim muna nila sa obserbasyon ang dalagita at kung hindi ito mailabas kasabay ng dumi, maaaring isasailalim na lamang nila ito sa operasyon para makuha ang hikaw na gawa sa silver.


Leave a Reply

*
sana naman wag niyang maisipan idi=display ang erm...
75 yrs old, tinitelagan pa ba yun? lol!...
ANO BA YAN STD IKAW LAMANG ALBUM SOLD OUT NA AGAD?...
NYAHAHAHAHAHA SUNDAY ALL STARLETS MAG REFORMAT HAH...
NYAHAHA STD GRABE ONE MILLION PCS PALA ANG NABENTA...
NYAHAHAHAHA GANYAN NAMAN DYAN SA KAMUNING MGA TALE...
NYAHAHAHA 3.6 MILLION INDIVIDUAL NA ANG NATULONGAN...
mas mabantot si kristd sa mga stars ng dos . di ba...
tama kayo mabaho para kay kristd ang mga stars ng ...
NYAHAHA STD DAHIL SA MGA STARS NG DOS ANG NET INCO...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.