James tinupad ang pangako sa Heat

TINUPAD ni basketball superstar LeBron James ang sinabing magiging aggresibo siya sa Game 4 upang bigyan ng inspirasyon ang mga kakampi.

Kaya naman ginanahan din ang dalawa sa tatlong Big 3 ng Miami Heat na sina Dwyane Wade at Chris Bosh upang tambakan nila ang San Antonio Spurs, 109-93 sa 2012-13 National Basketball Association, (NBA) Finals kanina.

“When those guys play like that, you better be playing a more perfect game,” saad ni Spurs coach Gregg Popovich.

Bumira si four-time MVP James ng 33 points, 11 rebounds at apat na assists habang si Wade ay kumana ng 32 pts., tig anim na rebounds at steals at apat na assists upang itabla ang serye sa 2-2 sa kanilang best-of-seven match.

”Right now it’s a three-game series,” ani 2006 Finals MVP Wade. ”Two great ballclubs, we just want to come out again and play well.”

Nagsumite naman si Bosh ng 20 pts., 11 boards at tig dalawang steals at blocks.

Nagbago ng starting five si Heat coach Erik Spoelstra, pinalitan ni Mike Miller si Udonis Haslem upang lumuwag ang mga dadaanan ni James kung sakaling sasalaksak ito.

Si Miller kasi ay tumikada ng 5-of-5 sa tres sa Game 3.

Ganun nga ang kinalabasan, naging agresibo si James sa kanyang mga salaksak dahil nakaabang ang mga help defense ng Spurs sa papasahan ng star player ng Heat

“I just came into the game confident. Before I even made a shot, I came into the game confident,” pahayag ni James. “As bad as I played in Game Three, I put all the pressure on me to say ‘I can’t afford to play like that and hope for us to win. Not at this level’,”.

Nakakuha rin ang Heat ng suporta sa opensa kay Ray Allen na may 14 puntos at Mario Chalmers na nagsumite ng anim na puntos, limang assists at apat na rebounds.

Nanguna naman sa opensa ng Spurs si Tim Duncan na tumapos ng 20 pts. at limang boards habang ang pambato nilang point guard na si Tony Parker ay nag-ambag ng 15 pts.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply