Jessica Soho muling tinira ni Vice Ganda

HINDI bukal sa loob o kaplastikan lamang ang paghingi ng tawad ni Vice Ganda sa inalipusta niyang mamamahayag na si Jessica Soho ng GMA television network.

Kung talagang sinsero ang pagso-sorry ng naturang komedyante, ay bakit nitong 2nd year anniversary ng Gandang Gabi Vice nitong Linggo ng gabi  ay nagpatutsada na naman siya patungkol kay Soho.

Sa isang portion ng GGV, na ang guest ay ang mag-best friend na sina Gerald Anderson at Rayver Cruz, nakitang tumayo at nagpunta sa audience si Vice Ganda para kumuha ng tatlong babae na ipapareha sa pagsayaw sa kanyang dalawang guest.

Bagama’t ang unang babae na mula sa audience ay nagtaas ng kamay na ang ibig sabihin ay nagkusang loob ito, ang dalawa namang babae pa ay si Vice Ganda ang mismo ang pumili.

Pero bago pinagsayaw, siyempre may tanungan portion at naunang magisa sa okrayan blues ay ang sinabi ni Vice Ganda na kamukha ni Ryan Bang.

Nang matapos, isinunod naman ang pangalawang babae na may katabaan at kahawig ng kaunti ni Jessica Soho.

Sambit ng komedyante sa babaeng chubby, ay parang kilala kita para nagusap na tayo at nagkita pero mabilis din nitong ipinagtanggol ang sarili na wala siyang sinasabing masama at wala siyang sinasabing pangalan.

Pero nagtatawanan na ang audiences at maging sina Andeson at Cruz dahil alam nila kung sino ang tinutumbok ni Vice Ganda sa kanyang mga patutsada.

Inabot din ng ilang minuto ang pantitirya ni Vice Ganda sa chubby na babae bago ito tumigil dahil na rin sa hindi naman mahaba ang oras ng television program nito.

Sa pasimpleng pang-aasar ni Vice Ganda, tanong tuloy ng nakapanood na sour graping o bitter ito sa kanyang pagso-sorry.

Dahil kung sinsero talaga ang paghingi nito ng sorry at ang sinasabing hindi na lang siya magsasalita at mag-move on na lang ang lahat para hindi humaba ang usapin, pero eto siya at tila tuwang-tuwa na makabawi kahit sa isang patawa lamang.

Nanggamit na naman ito ng ibang tao para sa sariling kapakanan ika nga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply