Kritiko ni James magpapahinga muna

NALAMPASAN muli ni basketball superstar ang pangalawang hamon sa kanya ‘yun ay ang isukbit ang back-to-back tilts sa katatapos na 2012-13 National Basketball Association, (NBA).

Sapul ng umalis si four-time MVP James sa Cleveland ay tinatadtad na siya ng pagkukutya ng kanyang mga kritiko.

Nakaraang taon ay nakahinga si James sa pressures na kanyang dinadala dahil nasungkit niya ang unang kampeonato.

Muli na naman siyang makakapagpahinga sa kanyang mga kritiko dahil sariwa pa ang pagkakapanlo ng Heat.

“Hopefully people will leave him, (James) alone a little more now,” saad ni Shane Battier na kumana ng anim na tres upang paluhurin ng Heat ang San Antonio Spurs, 95-88 sa Game 7.

Bumira si James ng 37 puntos, 12 rebounds at apat na assists upang tanghalin din siya
Finals MVP sa ikalawang sunod na taon.

“He takes a lot of heat, I think undeservedly. He’s the best player on the planet. And hopefully now with two titles, he’ll get more the benefit of the doubt.” saad pa ni Battier.

Sa Martes, (Lunes sa Amerika) magkakaron ang Heat ng championship parade.

Nakaraang season tinatayang 400,000 fans ang sumaksi sa nasabing parada matapos manaig ng Heat sa Oklahoma City Thunder sa game 5.

Samantala, hindi pinapayagan ng city officials na magdala ng backpacks ang mga fans upang maiwasan ang nangyaring pagbomba sa Boston.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply