Priority legislative agenda ni PNoy, ihahayag sa SONA

IPINANGAKO ni Pangulong Benigno Aquino III na ihahayag niya ang kanyang priority legislative agenda para sa 16th Congress sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA).

Sa isang panayam, sinabi ng Chief Executive na makabubuting abangan na lang ng publiko ang kanyang mga sasabihin sa kanyang SONA.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, kasalukuyan nang tina-track ng mga Cabinet Secretaries ang kanilang mga accomplishment para sa isang buong taon na isasama sa SONA na ihahayag ng Chief Executive sa Hulyo.

Ang Presidential Management Staff (PMS) naman aniya ang tumutunton ng mga pangakong binitiwan ni Pangulong Aquino noong nakaraang SONA para kumpra ngayon.

“The President already had meetings with the Cabinet and also with the speechwriters. And, according to Undersecretary Manolo Quezon, they are already in their second revision of the outline pa lang—outline pa lang ng SONA,” ani Pangulong Aquino.

Wala namang ideya si Lacierda kung ang magiging “highlight” ni Pangulong Aquino sa kanyang SONA ay ang usapin ng ekonomiya.

“Well, kasama po ‘yan sa accomplishment. Right now, the Office of the Cabinet Secretary is tracking all the accomplishments of the different agencies. But, in the meantime, nandoon pa tayo sa discussion stage ng outline ng SONA. Wala pa yung draft ng speech,” ani Lacierda.


Leave a Reply

*
ANO BA YAN STD IKAW LAMANG ALBUM SOLD OUT NA AGAD?...
NYAHAHAHAHAHA SUNDAY ALL STARLETS MAG REFORMAT HAH...
NYAHAHA STD GRABE ONE MILLION PCS PALA ANG NABENTA...
NYAHAHAHAHA GANYAN NAMAN DYAN SA KAMUNING MGA TALE...
NYAHAHAHA 3.6 MILLION INDIVIDUAL NA ANG NATULONGAN...
mas mabantot si kristd sa mga stars ng dos . di ba...
tama kayo mabaho para kay kristd ang mga stars ng ...
NYAHAHA STD DAHIL SA MGA STARS NG DOS ANG NET INCO...
TAMA KA GURANG MASARAP PAG USAPAN KUNG SINO ANG NU...
HAHAHA TAMA KA TROY PURITA ANG MGA STARLETS SA KAM...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.