Vivian Velez involved sa aircraft business ngayon

MATAGAL ng bukas na libro sa publiko ang buhay ng tinaguriang Miss Body Beautiful noong dekada ’80 na si Vivian Velez. Magmula sa kanyang buhay pag-ibig at showbiz career, laging may balita kay Vivian at noong mga panahong nasa GENSAN pa ang inyong columnist, dahil sa popularity ng dating sexy star ay alam namin na naka-relasyon nito ang mayamang Chinese businessman at movie producer na si Mr. Amado Tan.

Dekada rin ang itinagal ng pagsasama nang dalawa kung saan karamihan sa mga pinrodyus na quality movies ni Mr. Tan ay si Vivian ang bida. Dito nahubog ang husay ng aktres sa pag-arte pero nang mag- kahiwalay sila ng negosyante ay naging madalang na ang proyketo ni Vivian hanggang sa kung kani-kaninong lalake na siya naugnay na ang pinakahuli nga ay ang pinakasalan ni Almira Muhlach na rating sikat na basketeer na si Paul “Bong” Alvarez.

Anyway, a few years ago nang muling makita namin si Vivian sa premiere night ng isang Indie film na invited kami, foreigner ang kasama nito sa event at kung hindi kami nagkakamali ay baka ito ang kanyang bagong husband. Mayaman ‘yung guy at tadtad rin ng alahas na suot si VV. So, ano ang ibig sabi hin nito? Mayaman pa rin ang aktres at kumpirmado ‘yan dahil involved ito ngayon sa aircraft business kung saan ang mga suki niya ay mga flying school, at mga rich people na gustong bumili ng sariling helicopter at private plane. Milyon-milyon ang usapan rito at milyones rin ang kita o tubo rito ng aktres na may bagong teleserye ngayon sa TV 5. May dalawang anak na pala ang dating Ms. Body Beautiful ng lokal na aliwan. Madiskarte ang ateh natin gyud!

***

Di Kay Ellen Degeneres aamin! Charice, buong tapang na haharap kay Boy Abunda mamaya sa The Buzz

SABI sa mga write-up sa ilang tabloids, dahil international star si Charice, kung aamin ito sa totoo niyang preference, mas pipiliin raw nitong mag-come out sa kilalang Talk show host na si Ellen Degeneres na isa sa unang nagbigay ng malaking break sa kanya sa bansang amerika at kabaro pa niya. At sa June 7 raw magaganap ang pagdi-divulge na ‘yan sa buong mundo ng nasabing Youtube Sensation sa tunay na kasarian nito. Well, kuryente ang nasabing balita dahil ngayong hapon sa kauna-unahang pagkakataon, buong tapang nang haharap si Charice sa ating “King of Talk” na si kuya Boy Abunda sa The Buzz para isa-isang sagutin at bigyang linaw ang lahat ng mga no-holds barred question sa kanya ni kuya Boy kasama na ang paglantad sa tunay na kasarian.

Abangan at baka magkuwento rin ang international artist tungkol sa babaeng produkto ng X Factor Philippines na diumano’y itinanan niya na ikinagalit nang husto ng kanyang mommy Raquel. Yes, nasilip ng aming informant ang nasabing exclusive one on one interview kay Charice at all-out raw talaga ito sa kanyang mga sagot kay kuya Boy.

Hindi lang ‘yan may exclusive VTR interview rin ang The Buzz kay Maja Salvador tungkol sa pag-amin ni Gerald Anderson sa publiko na may relasyon na sila ng guwapong young actor. Maganda ang kinalabasan ng panayam kay Maja at tiyak na ikakikilig raw ito ng fans nilang dalawa ni Gerald. Kaya ating samahan sina kuya Boy, Toni Gonzaga at Charlene Gonzales sa nag-iisa at numero uno nilang Sunday showbiz talk show na umi-ere sa Kapamilya network pagkatapos ng LUV U.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>