Pilipinong martir na pari, idedeklarang Santo

NAKATAKDANG ideklarang beato sa Oktubre ang isa pang  Pilipinong paring martir na namatay sa Spanish Civil war.

Ito ay matapos aprubahan ng Vatican City ang beatification o pagdedeklarang beato o banal ni Eugenio Sans Orosco  Mortera o Fr. Jose Ma. de Manila.

Si Jose Ma. ay ipinanganak noong Sept.5, 1880 sa Maynila at nag-aral sa UST, Ateneo de Manila at Collegio San Juan de Letran.

Sa edad na 16 ay nagtungo sa Espanya upang maging semenarista hanggang siya ay maging pari.

Noong Aug.17,1936 sa gitna ng religious persecution ng Spanish Civil war ay ipinapatay ng mga awtoridad si Jose Maria at nang iba pang taga simbahan.

Dahil sa kanyang pagigigng martir ay kinilala ng Vatican si Jose Ma.  para ideklara siyang vulnerable nitong Marso.

Nakatakda naman ang kanyang beatification sa Oct.13 sa Taragona, Spain.

Isang himala na lamang ang kailangan  para tuluyan na itong maging Pilipinong santo.

Si Fr. Jose Ma. de Manila ay magiging ikatlong Pilipinong Santo na matapos na maideklarang santo sina San Lorenzo Ruiz noong 1987 at nito lamang  2012 ay si  St. Pedro Calungsod.

One Comment

  1. Joey

    July 20, 2013 at 11:10 am

    Bakit idiniclare ng Vatican si Father JOMA na “vulnerable”? Baka naman kaya
    “VENERABLE”, meaning honorable, respectable, o kaya used as a title for an Anglican archdeacon or for a Roman Catholic who has been accorded the lowest of three degrees of recognition for sanctity – sainthood.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>