Bangkay ng binatilyo, natagpuan sa QC

ISANG bangkay ng binatilyo ang natagpuan sa Payatas Road, Quezon City kaninang madaling araw Hulyo 29, 2013 (Lunes).

Inilarawan ang biktima na hindi pa nakikilala na tinatayang nasa 16 hangang 17 anyos, 5’0 ang taas, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng maong  pants  at walang  suot na pantaas.

Ayon kay SPO1 Alejandro Camacho ng Quezon City Police District station 6 Batasan natagpuan ang biktima sa Payatas Road, Group 9, Brgy. Payatas, QC, dakong 2:00 ng madaling araw.

Sinabi  ni SPO1 Camacho na natagpuan ang bangkay ng biktima ng isang Allan Alabania na residente sa lugar matapos ipagbigay alam ng isa sa kanyang  kapitbahay ang bangkay ng  biktima .

Nabatid sa ulat na may marka ng sakal sa kanyang leeg ang biktima na hinihinalang itinapon lamang sa naturang lugar.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply