CHIKUNGUNYA

inton

intonMABUTI siguro na ulitin natin sa kolum na ito ang balita na dumarami ang kaso ng Chikungunya sa bansa, ayon naman sa isang pahayagan kaya pinag-iingat ang mamamayan.

Hindi pa marami ang nakarinig tungkol sa virus na ito kaya maganda na pinaguusapan para maging babala na rin.

Ayon sa Department of Health, ang Chikungunya ay isang viral disease na nakukuha mula sa mga dengue-carrying mosquitos kaya para rin itong dengue.

Ang Chikungunya raw ay laganap sa Asya.

Sabi sa mga report, ang mga symptom ng Chikungunya na makikita sa isang tao na may impeksyon ng virus na ito ay katulad ng mga symptom ng dengue virus – nilalagnat ang pasyente, may mga rashes, nahihilo at pagod ang pakiramdam, at may mga pananakit  ng kalamnan at mga sakit sa mga joint.

Mabuti na lang daw at matatanda lang ang tinatamaan ng Chikungunya at sa awa ng Diyos ay wala pang naiuulat na namatay dahil dito sa kabila nga ng balita na dumarami ang napababalitang nagkakasakit na sa bansa.

Hindi naman daw kasing- bagsik ng dengue ang chikungunya pero sabi ng mga doctor ay hindi dapat isipin na dahil hindi nga ito kasing bagsik ng dengue ay pwede nang balewalain ang mga symptom na kagaya ng dengue dahil baka nga dengue ang naka-infect sa isang pasyente.

Sa gitna ng dengue alerts sa bansa, tinututukan na rin ang mga kaso ng Chikungunya infections.

Sa ngayon ay mula sa parteng Mindanao ang mga naulat na mga kaso ng Chikungunya.

Pinag-iingat ang ating mga kababayan.

Wala pa rin daw bakuna na pwedeng maka-prevent ng chikungunya infection kaya ang dapat pa ring gawin ay paglilinis sa kapaligiran para mawala ang mga mosquito-breeding area.

Gaya ng pag-iingat sa dengue, dapat ay iwasan na makagat ng mga lamok na siyang nagpapakalat ng mga virus.

Sabi ng history ng virus na ito, ang ibig sabihin ng pangalan na “Chikungunya” ay hango sa salitang ang ibig sabihin ay “matuyo at mamilipit”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>