Di na binayaran, pati pamasahe ay hindi na-reimburse!

PAGDIDIIN ni Lovi Poe na wala talaga siyang boyfriend sa ngayon at wala na rin siyang panahon para mag-entertain ng suitors dahil na rin sa rami ng trabahong ginagawa. May dalawa siyang pelikulang tapos na ng shooting, ang Sana Dati at Lihis, and aside from her hosting job sa Sunday All-Stars ay busy siya ngayon sa taping ng upcoming Kapuso teleserye na Akin Pa Rin Ang Bukas.

“Parang loveless ako talaga. I’m more focused sa work now,” sabi ni Lovi. Good friend ang turing niya kay Rocco Nacino, maging kay Jake Cuenca, although saad ng aktres na matagal na siyang walang contact dito. Masaya siya dahil finally ay nagkaroon na ng grand premiere ang Sana Dati sa on- going Cinemalaya Film Festival sa CCP.

Kahit walang lovelife ay masaya naman daw si Lovi sa pakikipag-bonding sa kanyang girlfriends at may balak silang magbakasyon sa New York, among other places. Gusto raw niyang puntahan ang mga lugar kung saan nag-shoot ang TV series na FRIENDS, ang hugely-successful sitcom kung saan unang nakilala si Jennifer Aniston at hanggang ngayon ay may wide following.

Kahit may posibilidad na lumipat sa ABC5 si Marian Rivera, sinabi ni Lovi na wala siyang balak kunin ang korona nito bilang Kapuso Primetime Queen. Kuntento na raw siyang maging Primera Aktresa ng GMA.

***
MAY lesson na natutunan si Glaiza de Castro na na-scam ng isang promoter sa Dubai, at ito ay ang paninigurado ng talent fee bago pa man sumabak sa isang show. Dalawa ang ginawa niyang show doon at isinama pa niya ang parents niya para makapamasyal. Una pa raw ay duda na siya sa promoter ng unang show dahil sila ang pinabibili ng ticket at ire-reimburse na lang daw doon. Sinubukan daw niyang umatras ngunit nabagbag naman ang kanyang damdamin sa pag-eemote ng promoter. To cut the story short, hindi na nga nabayaran si Glaiza, hindi man lang daw ibinalik ang kanilang pamasahe.

Mabuti na lang daw at kahit paano ay nabayaran sila sa pangalawang show at nag-ambag-ambag ang ilang kababayan natin doon para sa kanilang hotel bills.

“Laking pasasalamat ko talaga sa kanila, kasi alam mo naman ang hirap na maging OFW pero natulungan pa rin nila kami,” ang tanging nasambit ni Glaiza para sa ating mga kababayan sa Dubai. Ang tanging naisukli na lamang daw niya sa mga ito ay ang nabigyan sila ng kasiyahan sa pamamagitan ng kanyang pag-perform para sa kanila.

***
NANDITO sa bansa ngayon si Meryll Soriano at ibinalita niyang may nagpapatibok ng puso niya ngayon at ito ay isang Italian guy na nakilala niya sa London, kung saan siya kumukuha ng kursong Product Design sa Central Saint Martins School of Art and Design.

“He’s Italian. Italians are the most passionate men in the world. So, he’s very romantic and he cooks for me,” pagbibida pa ni Meryll sa kanyang bf.

May nagawa nang pelikula si Meryll last summer break sa London, at ito ay ang Sapi, kung saan kabituin niya sina Dennis Trillo at Baron Geisler. Sa direksyon ito ni Direk Brilliante Mendoza at busy rin siya sa taping for some TV guestings. Nakakapag-bonding rin sila dito ng anak niya kay Bernard Palanca na si Eliah habang nandito siya sa bansa.

Mukhang masaya na si Meryll sa natapuan niyang pag-ibig sa London at may chance na sila na ang magkatuluyan. “Yes, ramdam na ramdam ko sa kanya na babae ako,” saad ni Meryll.

Ayos!

***
AFTER ng ilang buwang sigalot ay nakipagbati na rin si Heart Evangelista sa kanyang parents, finally putting an end sa masalimuot na episode ng kanyang career nang maglabasan sila ng mga detalye ng kanilang personal na buhay sa publiko. Patunay din ito na tanggap na, o unti-unti nang natatanggap ng kanyang pamilya ang current boyfriend niyang si Senator Chiz Escudero.

“Everything’s well right now,” ang matipid na pahayag ni Heart hinggil sa kanyang relasyon now with her parents. Kung may natutunan man daw siyang leksyon sa nagdaang kontrobersiya ay eto, “I realized personal life is.. must be private.”

***
For comments and suggestions, puwede n’yo akong itext sa 09395534439 or iemail sa rod.yabis- @yahoo.com. Hindi po ako nakikipag-textmate o sumasagot sa personal na katanungan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply