Truck driver binaril sa harap ng pamilya, todas

TODAS ang isang mister nang barilin ng tatlong hindi pa nakikilalang salarin sa harap mismo ng kanyang pamilya kaninang umaga July 22, sa Brgy. Potrero, Malabon City .

Sabog ang bungo at patay sa pinangyarihan si Edwin Delos Santos y Ramierz, 39, may asawa at 6 na anak, truck driver, ng Camachili Melon-1 Brgy. Potrero ng lungsod sanhi ng apat na tama ng bala ng kalibre .45 sa mukha at ulo.

Mabilis namang tumakas ang tatlong hindi pa nakikilalang salarin na pawang armado ng kalibre 45.

Base sa pinagsanib na imbestigasyon nina Insp. Marissa Santos hepe ng Criminal Investigataion Branch (CIB) ng Malabon pulis at ni P02 Christopher Rodriguez, dakong alas 10:15 kaninang umaga ng maganap ang krimen sa harap mismo ng bahay ng biktima.

Nauna rito, palabas ang biktima sa kanyang bahay para magmaneho ng kanyang truck pero  agad itong sinalubong ng mga suspek at walang sabi-sabi na pinagbabaril sa mukha at ulo na agarang ikinasawi nito.

Nakarekober sa pinangyarihan ang mga tauhan ng Scene of Crime Operatives (SOCO) ng apat na basyo ng kalibre 45 na ginamit sa krimen.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa nasabing pamamaslang sa biktima.


Leave a Reply

*
sa title pa lang ay mukhang may sense ang mga peli...
NESTOR ALAM NYO BA NA SO INGGIT ITONG MABAHONG EBA...
ABE Paulite, maka BOBO ka naman at intrigero dun s...
Eto ang demanda na maliwanag na pang-propaganda la...
nakakatawa talaga ang mga comment ni kristd...haha...
KristD yong ginawa mo rin ditto ay mind conditioni...
Ahahahahahahahaha,bwuhahahahahahaha. Good one. Tw...
yuhooo mga kapamilya " KUPS' Scoop hahahah hinay...
NYAHAHAHA STD LOLA MUZTA NAMAN KEPS MO LOLA MASIKI...
nyahahahah 'kapay' kaya pala nag dabog si Starlet ...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.