WHITEWASH SA KASO NI JANET NAPOLES

BIGWAS-gil bugaoisanNOONG pumutok ang isyu tungkol sa racket ng tinaguriang “Pork Barrel Queen” ng bansa na si Janet Lim Napoles, alam na natin na wala itong patutunguhan dahil na rin sa laki at lawak ng impluwensiya, salapi at kapangyarihan ng mga taong sangkot dito. Ang masaklap, tila nababaligtad pa ngayon ang mga taong nagpapakasakit upang maparusahan itong mga kawatan sa ating pamahalaan.

Matinding sabwatan ngayon ang nagaganap upang mapagtakpan ang taong sangkot sa pangungurakot sa salapi ng ating bayan. Alam na alam ni Napoles na hinding-hindi siya maaaring pabayaan ng kanyang mga padrinong politiko sapagka’t kapag ginawa nila ito ay tiyak na sasabay rin sila sa pagbagsak.

Buong-buo ang loob ni Napoles na makalulusot pa rin siya kahit buking na buking na siya sapagka’t alam na alam niya na maging itong mga politikong kaanib ni Pangulong Aquino ay hindi maglalakas-loob na banggain siya.

Pinipilit ngayong baligtarin nitong grupo ni Napoles at ng kanyang abogadang si Lorna Kapunan ang kwento tungkol sa P10 billion pork barrel scam.

Ginamit lamang umano ng whistleblower na si Benhur Luy at ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isyung ito upang makapanghuthot ng salapi mula kay Napoles. Ang matindi pa nito ay gusto pa ngayong palabasin nitong kampo ni Napoles na itong si Luy ang may pakana sa mga itinatag na pekeng non-government organization na siyang naging beneficiary ng mga naglahong pork barrel ng ilang senador at kongressman.

Buking na buking ang iskrip na ito nina Napoles at ang nakaaawa ay itong mga ahente ng NBI na tumututok sa kaso dahil sila pa ngayon ang lumalabas na kontrabida rito. Ang masakit pa rito, tila maging ang administrasyong Aquino ay ayaw kumilos upang mapanagot ang mga taong nagkamal sa pondo ng pamahalaan.

‘Yan ang “tuwid na daan” ni Pangulong Aquino — may kinikilingan, may pinoprotektahan at puro kasinungalingan.

Hindi na ako magtataka kung sakaling mismong ang Malakanyang ang gagawa ng paraan upang mapagtakpan ang katotohanan ukol sa isyung ito sapagka’t maging ang pangalan ni Executive Secretary Paquito Ochoa ay sabit sa kasong ito. Malinaw na sangkot ang mga malalaking tao sa pama-halaan dito sa raket ni Napoles, mapa-administrasyon man ito o mapa-oposisyon.

Siyempre pilit din silang pagtatakpan ni Napoles dahil ito lamang ang tanging paraan upang mapanatili ang kanyang impluwensiya sa kasalakuyang administrasyon. Kanya-kanya sila ng takipan upang maproteksiyunan ang kani-kanilang pansariling kapakanan. You scratch my back, i’ll scratch yours, ‘ika nga.

At upang makumpleto ang napakalaking whitewash upang mapagtakpan ang napakalaking nakawan na ito, kailangan nilang idiin itong si Luy at itong mga nakaaawang ahente ng NBI.

Kailangang sila ang palabasin na kontrabida sa isyung ito nang sa ganun ay maisalba si Napoles at ang kanyang kasapakat na politiko at mga opisyal ng pamahalaan.

Hindi na ako magtataka kung sa bandang huli ay si Luy at ang NBI pa ang lalabas na may pakana ng lahat ng ito at si Napoles ang nabiktima.

And after all these, tuloy ang ligaya ng mga kawatan sa ilalim ng administrasyong diumano ay tuwid ang daan.

***

Para sa inyong komento at reklamo, mag-email lamang sa gil.bugaoisan@gmail.com.


Leave a Reply

*
NYAHAHAHAHA GANYAN NAMAN DYAN SA KAMUNING MGA TALE...
NYAHAHAHA 3.6 MILLION INDIVIDUAL NA ANG NATULONGAN...
mas mabantot si kristd sa mga stars ng dos . di ba...
tama kayo mabaho para kay kristd ang mga stars ng ...
NYAHAHA STD DAHIL SA MGA STARS NG DOS ANG NET INCO...
TAMA KA GURANG MASARAP PAG USAPAN KUNG SINO ANG NU...
HAHAHA TAMA KA TROY PURITA ANG MGA STARLETS SA KAM...
NYAHAHAHAHA PIKON NA ANG MATANDANG MABAHO .. TANGA...
STD DI AKO KATULAD MO NA BALIW HAHAH TOTOO LAHAT Y...
Korek! Yan ang tinatawag na "wise spender". It on...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.