Zinolala Ito??? Sikat na young rapper tamad maligo dugyot

BIGLANG sikat si young rapper dahil sa kanta niyang kinagat ng mga kabataan. Dahil sa tinatamasang popularidad ngayon ay nakatakda ng mag-concert sa malalaking venue si bagets at sa rami ng kanyang fans ay halos sold-out na raw ang tickets na labis na ikinatuwa siyempre ng ating bida at namamahala sa kanyang career.

But that’s not the issue. Ang talagang pinupuntirya ng ilang detractors ni rapper na papable pa naman ay ang pagiging pabaya raw nito sa kanyang personal hygiene na napaka-importante pa naman sa tulad niyang famous artist. Hindi raw kasi madalas maligo at puro gel o wax lang ang nilalagay sa hair kaya tuloy nagmumukhang dugyot si singer na kitang-kita sa mga kaliwa’t-kanang TV guestings nito. Ang masaklap, hindi rin daw ito mahilig sa pabango kaya nagdurusa talaga ang mga yumayakap sa idolo nilang hanep pagdating sa rapping.

Clue, na-link si guwapong rapper sa Kapuso young actress na kaagad naman nitong idineny. Kuha mo gyud! (Mismaks sis! Ayaw ni Bea Binene nang ganyan! Hahahahahahaha! – Ed)

**
Album launch ng alaga ni Atty. Ferdinand Topacio na si Xavier Cruz pabolosa

HONESTLY, kahit hindi namin araw-araw nakakausap ni amigang Pete at Abe Paulite ang labs at BFF naming si atty. Ferdinand Topacio, magugulat ka na lang at bigla na lang makatatanggap ng text messages at tawag mula sa sikat at mabait na abogadong ito. Ipinadarama niya talaga sa amin ang kanyang sinserong pagmamahal.

Yes, may write up man o wala, kaibigan ang turing sa amin ni attorney Topacio kaya naman isa siya sa talagang tini-treasure namin sa aming buhay. At dahil totoong tao siya, hayan at patuloy na pinagpapala ang controversial na abugado. Maliban sa patuloy siyang pinagkakatiwalaan ng maraming prominenteng tao sa lipunan ay pila-balde pa ang gustong kumuha ng kanyang serbiyo bilang kanilang personal legal counsel.

Come to think of it, hindi naman kataka-takang maging in-demand ang friend naming celebrity lawyer dahil majority ng hawak nitong mga kaso ay kanyang naipananalo sa korte. By the way, nang tawagan kami three days ago ng aming amigo, kanyang ibinalita niya ang nalalapit na paglulunsad ng unang album ng kanyang ipinagmamalaking talent na si Xavier Cruz.

Tapos na tapos na ‘yung CD album ni Mr. Excitement na binubuo ng 8 revival songs na pawang nag-hit sa airwaves like Sana Naman, Ikaw Ang Aking Pangarap, Bakit Labis Kitang Mahal, Cartada Diez, Hindi Magbabago, Dahil Mahal Kita, Do Ya Do Ya Ever Do Ya, at ang isa sa favorite songs ng mga Sharonian’s na How Am I Gonna Tell You na pinasikat ng idol nilang si Sharon Cuneta. Maliban sa napiling carrier single sa nasabing album na Sana Naman, first time na nagkaroon ng male version ang nabanggit na awitin ng megastar kaya’t malaking factor ‘yan para mag-hit si Xavier dahil aside sa kanyang Xaviernatics ay suportado rin siya ng mga fans ni ‘Nay Sharon.

Totoo ka, pabolosa ang album launch ng newest recording artist na gaganapin sa Teatrino, Greenhills. Full support siyempre sa special event na ito ang family ni Xavier especially ng kanyang mommy Aida at daddy si Alex Cruz. Masaya ito gyud!

***
Kim Chiu ng Quezon City na si Francine Garcia Super Sireyna’s Queen Of Queens

AMONG 8 finalists sa Super Sireyna 2013 ng Eat Bulaga na pawang mga title holder na kinabibilangan nina Queen of Asia na si Mariane “Cristine Reyes” Arguelles, Queen of Tourism Mae “Marian Rivera” Andrada, Queen of the World Michelle-Georgina Wilson” Bermudez, Queen of The Sky Maki Eve “Jennylyn Mercado” Mercedez, Queen of The Ocean Bem Bem “Carla Abellana” Radanza, Queen of The Wind na Bangs Garcia ng Kyusi na si Aya Garcia, ang Heart Evangelista ng Sorsogon Bicol na si Ava Santillan at ang nag-shine at stand-out sa Grand Coronation ng Super Sireyna last Saturday sa Resorts World Newport Performing Arts Theater na si Francine Garcia ang Kim Chiu ng Quezon City na siyang tinanghal na “Super Sireyna Queen of The Queens.”

Yes, si Francine ang pumasa sa panlasa ng mga bigating hurado na pinangungunahan ni 1969 Miss Universe Gloria Diaz, Michael Carandang, Isabel Daza at Aljur Abrenica dahil lahat ng katangian ng isang gay beauty queen ay taglay nito. Kaya naman 91.1% ang average score na nakuha nito na siyang nagpanalo sa kanya.

At sa 300 K na cash prize na kanyang napanalunan 70% nito ay ibabahagi ni Francine sa kanyang napiling barangay na tutulungan ang Brgy. Damayan sa Quezon City para makapagsagawa ng medical and dental mission sa lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply