ANO ANG PORK BARREL? (1)

by the squareMAINIT na mainit ngayon ang usapin tungkol sa pork barrel ng mga mambabatas pero maliban sa alam natin na ito ay suhol ng Pangulo sa kanila para maging matapat niyang kabig sa Senado at House of Representatives ay marami sa atin ang hindi alam ang kasaysayan nito. Ano nga ba ang pork barrel, saan ito nagsimula at paano natin ito nakuha?

Ang pork barrel o Priority Development Assistance Fund (PDAF) ay perang inilalaan ng ehekutibong sangay ng pamahalaan (na pinamumunuan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III) para sa miyembro ng Kongreso. Maliban sa ilang alituntunin na dapat sundin ng mga mambabatas ay malaya nilang nadedesisyunan kung paano gagastusin ang PDAF na inilaan para sa kanila. Ito ang dahilan kaya ang perang ito ay inaabuso at pinagkakakitaan ng ilan (o ng karamihan?) katulad na rin ng nabunyag sa mga pahayagan nitong mga huling araw.

Batay sa teorya ay maganda sana ang PDAF dahil magagamit ang perang ito ng mga mambabatas sa mga proyektong ikabubuti ng kanilang mga nasasakupan, lalo na ang mga mahihirap sa kanilang distrito. Pero dahil butas-butas ang mga panuntunan kaugnay ng pamamahagi ng perang ito ay madaling napaiikot ng ilang sukaban ang mga alituntunin para sa kanilang pansariling interes. Ito ang dahilan kaya nakukurakot ang perang ito (umaabot na sa P27 bilyon ang halaga nito na nakalaan sa pambansang budget para sa susunod na taon).

Ang nabibiyayaan ng malalaking PDAF ay ‘yung mga mambabatas na kaalyado ng pamunuan ng ehekutibo sa pangunguna ng Pangulo ng republika.

‘Yung talagang hindi mga kakampi ng Pangulo ay halos wala, kundi man talagang walang natatanggap na PDAF mula sa Malacañang. Sa madaling salita ang kakampi ng President ay may pork barrel samantalang ang hindi ay halos wala, kundi man wala talagang matatanggap.

Ito ang puno’t dulong dahilan kung bakit ang mayorya sa Kongreso ay kadalasang sunud-sunuran sa Malacañang. Hawak sa bulsa ang karamihan sa mga mambabatas kaya masuwerte tayo kapag may mga mambabatas na naninindigan para sa bayan at hindi sumusunod sa dikta ng Palasyo. Mahirap atang talikuran ang kinang ng salapi.

Sayang nga lamang at kakaunti ang mga ganitong uri ng mambabatas sapagkat ang karamihan sa mga nakaupo sa poder ay pul-politiko.

Malinaw pa sa sikat ng Haring Araw na ang PDAF o pork barrel ay suhol ng Malacañang sa mga mambabatas para masunod ang kagustuhan nito.

Pansinin na hindi lahat ng kagustuhan ng Pangulo ay makabayan at para sa masa. Hindi ba’t isang uri ng korapsyon ang ganitong siste? Ano ngayon ang ibig sabihin ng Tuwid na Daan ni B.S. Aquino? Kung totoo ang laban niya sa katiwalian, hindi ba tama lamang na putulin na ang PDAF? Ano sa palagay ninyo?

* * *

Binabati ko ang aking pinakamamahal na anak na si Bayang Lualhati sa kanyang ika-16 na taong kaarawan nitong nagdaang Agosto 8. Anak, dalangin ko ang iyong kaligayahan at tagumpay sa buhay. Mahal na mahal kita!

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring, pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, Barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba.

Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Tawagan ninyo si Gene Lorenzo sa 09063555560 para sa karagdagang impormasyon.


Leave a Reply

*
tama lang po na hindi ipakilala ang nanalo sa lott...
AYAN NAPALA MO MARIEAL SUMAMA KA DYAN KAY WILLIE A...
OHHH KAPAY? BAKIT KA AFFECTED? WAHAHAHAHA IDOL MO ...
KAPAY KAPAY ... EASY EASY ANG BLOOD PRESSURE ,O LO...
NYAHAHAH KAPAY DI NA BUMENTA YANG PRALALA MO NA CO...
nyahahahah si Luis gagastos ng/ engagement ring s...
nyahahahah ' kapay' yung Starlet ninyong malaki a...
nyahahahah " kapay" hayan halatang nagsisinungalin...
nyahahahaha 'kapay' bhukeet alang Commercial load...
nyahahahhaha korek pero wala sa report nila yung...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.