Lacierda sumundo kay Napoles sa Heritage Park

SA loob at madilim na bahagi ng Heritage Park sa Bayani Road, Fort Bonifacio sa Taguig City nagpakita at sinundo ni Presidential spokesman Edwin Lacierda ang puganteng si pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles.

Si Lacierda ang nagsilbing facilitator sa naging pagsuko ni Napoles kay Pangulong Aquino.

Sa kuwento ni Sec. Lacierda ay sinabi nito na nang ihayag ni Pangulong Aquino na may pabuyang P10 million sa taong makapagbibigay impormasyon sa kinalalagyan ni Napoles ay nagpahayag naman si Atty. Lorna Kapunan, abogado ni Napoles sa isang panayam na handa ang kanyang kliyente na sumuko.

Dakong 12:37 ng tanghali nang tawagan niya si Atty. Kapunan upang i-beripika rito kung totoo ang kanyang naging pahayag na susuko nga ang kanyang kliyenteng si Napoles na sinagot naman ni Atty. Kapunan ng “oo, susuko si Ms. Napoles”.

Sumuko, aniya, si Napoles kay Pangulong Aquino dahil para kay Atty. Kapunan ay “[he’s] the person that we trust.”

“So I said: “We discuss it with your client and then I would discuss it—I would raise it with the President.” That was in the [12:40 frame?]—I think we discussed around 10 minutes. After that I went to the President. This was after his function at the Apolinario Mabini Awards when he went back to his office. I went up and informed the President about the developments and he just told me: “Ang dami nating leads, there were leads of this and that, so this is just another lead.” So sabi niya: “‘Pag bumalik na siya, let me know.” So, okay, sir. So we’ll let you know. At around 4:06 in the afternoon, Atty. Kapunan called me back and she said that her client was willing to surrender to the President. Her only request was that her safety be secured, owing to the fact that there was, on her part, there was fear for or there were threats on her life. And then, after that, I went back to the President. When I saw the President, I understand that he already instructed Secretary Mar Roxas. So when I went to the President, Secretary Mar Roxas was already there and I informed—and Executive Secretary (Paquito) Ochoa—and I informed them that, according to Atty. Lorna Kapunan, Ms. Janet Napoles was willing to surrender today or yesterday,” litaniya ni Sec. Lacierda.

Sinabi ni Lacierda na agad inatasan ni Pangulong Aquino, si Sec. Roxas na agad na dalhin si Napoles sa PNP habang siya naman ay nakikipag-usap kay Atty. Kapunan.

“And when it was confirmed that we were pushing through, I did not know what vicinity I was going, so I asked Ms. Lorna Kapunan: “Lorna, exactly where are we supposed to see each other?” Because she also didn’t know where Ms. Napoles was. And, at that point, she said: “Let’s go to this vicinity na lang.” So I was told to go to the vicinity of Pasong Tamo. No time was indicated. She just told me: “I’ll see you in Pasong Tamo.” So, upon informing Secretary Mar Roxas, he provided a vehicle for me and also the escorts to secure Ms. Napoles. Because we don’t know exactly what time [that] was or how long it will take, maybe lalampas ng dinner. Ang sabi ko: “Usec. Manolo (Quezon), Usec. Abi (Valte), join me. We’ll have dinner first.” With the idea that, if may go-signal na from Atty. Kapunan, split na siya, split na kami, they’ll go back to the office,” aniya pa rin.

Alas-6:50 ng gabi ay umalis ang grupo nina Lacierda sa New Executive Building (NEB) at agad na nagtungo sa Pasong Tamo.

Nakatanggap, aniya, siya ng tawag kay atty. Kapunan kung saan ay sinabi sa kanya na magkita sila sa White Space.

“Apparently, Atty. Kapunan is a trustee of Red Cross. So when I reached White Space, I saw Lorna and then… Apparently, Lorna—together with Lorna in a vehicle was Mr. Jimmy Napoles. So nagkita si Lorna and Jimmy Napoles, they boarded the vehicle where I was. So we went… When they boarded, I asked them: “Where are we going?” And sinabi ni Mr. Jimmy Napoles—or rather ni—yes, ni Jimmy Napoles was: “Let’s go to Heritage Park.” So we went to Heritage Park…  So we went to Heritage. So, at that point, I was informing the President of the status. I was informing the—where I was. The President was also concerned for the situation,” aniya pa rin.

Eksaktong alas- 8:06 ng gabi ng dumating sila sa Heritage Park at doon nga naghintay.

“So we waited there from 8:06 until 9:08. Kinausap ni Mr. Napoles—may kausap siya, may tine-text siya. So, at around 9:08, dumating ‘yung—may dumating na dalawang babae,” anito.

Nakita naman aniya niya ang dalawang babae na nasa labas ng sasakyan kung saan isa roon ay si Naploes habang ang isa naman ayon kay Sec. Lacierda ay kasambahay o kamag-anak ni Napoles. Bitbit nito ang gamit ng pork barrel scam queen.

Nakasuot si Napoles ng maong pants at hood.

“Pagkatapos dumiretso na kami sa Palasyo informing the President that we’re on our way back. At around—9:08 ‘yon—9:37 kami nakabalik sa Palasyo.  Nagpa-security check sila tapos si Ms. Napoles tiningnan ng doktor. And there, nag-usap sila ni Pangulo, nandoon si Secretary (Jose Rene) Almendras, Secretary Mar Roxas, Secretary (Ricky) Carandang, Executive Secretary (Paquito) Ochoa, si Usec. Valte, Usec. Quezon. Madali lang, mga 10 minutes. Si Atty. Lorna Kapunan nagsasalita, nagpapasalamat na the President agreed to accept the voluntary surrender to the President,” sabi ni Lacierda.

Aniya, hindi umabot ang asawa nitong si Jimmy Napoles, Atty. Kapunan sa Malakanyang matapos tanggapin ni Pangulong Aquino ang puganteng si Napoles sa receiving area ng Malakanyang. Nandoon, aniya, si PNP Chief Alan Purisima.

At noong paalis na, aniya, sila ng Malakanyang makaraang mag-usap sina Pangulong Aquino at Napoles ng 10 minuto ay sinabi ng Pangulong Aquino na “O, tutal puyat na tayo, damay-damay na tayo.” So papunta ng Crame, I was in the car with Ms. Napoles, Mr. Napoles, ‘yung kasama nila, at saka si Atty. Kapunan, so we went together. The President went ahead na. So kami, nasa convoy kami nila Secretary Mar, Secretary Rene Almendras, Secretary Carandang.”

“So pagdating namin doon, she was brought to the holding area tapos the usual procedure, booking procedure ginawa doon. The President wanted to make sure that the area was secure so he went in to inspect the premises and, after that, umalis na rin si Pangulong Aquino. So ‘yon po ang nangyari kagabi, alright?,” pagtatapos nito.


Leave a Reply

*
Oo nga....cease fire muna. Yang utang, di mawaw...
That is what you call practical and smart. May ib...
VIERNES SANTO NA ano ba! Next week na lang nyo ip...
WHEN I WAS IN THE PHILIPPINES A FEW MONTHS BACK, I...
SAME WITH ANGEL AND LUIS. GIMIK, NO SWEETNESS. LUI...
HAHAHAHA.....KOREK KA JAN..CHOC..PULOS PURITA ANG ...
Yun ba itsura ni Bob Arum dapat pagkatiwalaan..Obl...
kadalasan hawak ng mga pulis yan snatcher kaya nga...
Masyadong mayabang talaga itong ABS CBN at ang mga...
Wag mabahala e wala ngang vaccine para dyan???...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.