Lalaking pugot ang ulo, putol ang 2 binti, kinilala na

Update: KINILALA na ang lalaking pinugutan ng ulo, pinutulan ng dalawang binti at inilagay sa plastic garbage bag na natagpuan kaninang umaga sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Mark Reu Abesamis, 32, dating call center agent  ng APAC call center at residente ng #1 Diego Silang St., TS Cruz Subdivision, Novaliches, Quezon City.

Ayon sa salaysay ni Thea (asawa ng biktima) kay PO2 Mario Asilo, imbestigador, nagpaalam sa kanya ang asawa dakong 8:00 ng umaga kahapon sakay ng kanyang kulay itim na Toyota Altis (NOY 611) at nagtungo sa gym sa SM Fairview.

Dakong 1:30 ng hapon (Martes) ay tumawag ang biktima sa kanyang asawa na didiretso ito sa isang kaibigan na si George Martinez sa Aurora Blvd., Quezon City upang umano’y pag-usapan ang pinaplano nilang negosyong car repair shop.

Dakong 6:00 ng gabi nang nagpaalam umano ang biktima sa bahay ni George upang makipagkita sa isang Agnes sa SM Fairview kung saan ipapadala sa huli ang mga packages para sa kanyang ina na nasa abroad.

Ayon kay Thea, dakong 7:30 ng gabi nang tinatawagan niya ang biktima subalit wala nang sumasagot sa kanyang cellphone hanggang sa nakita na lamang ang bangkay nito dakong 6:55 kahapon ng umaga sa Matimyas St., malapit sa Maceda St., Sampaloc, Manila na pugot ang ulo at putol ang binti.

Ayon kay Chief Insp. Steve Casimiro, Hepe ng MPD-homicide section, nawawala umano ang sasakyan ng biktima kabilang ang packages, cellphone at iba pang mahahalagang gamit ng biktima.

Dagdag pa ni Casimiro na posibleng naganap ang insidente sa Quezon City pero dinala lamang ang pugot na katawan nito sa Maynila upang iligaw ang imbestigasyon.


Leave a Reply

*
sana naman wag niyang maisipan idi=display ang erm...
75 yrs old, tinitelagan pa ba yun? lol!...
ANO BA YAN STD IKAW LAMANG ALBUM SOLD OUT NA AGAD?...
NYAHAHAHAHAHA SUNDAY ALL STARLETS MAG REFORMAT HAH...
NYAHAHA STD GRABE ONE MILLION PCS PALA ANG NABENTA...
NYAHAHAHAHA GANYAN NAMAN DYAN SA KAMUNING MGA TALE...
NYAHAHAHA 3.6 MILLION INDIVIDUAL NA ANG NATULONGAN...
mas mabantot si kristd sa mga stars ng dos . di ba...
tama kayo mabaho para kay kristd ang mga stars ng ...
NYAHAHA STD DAHIL SA MGA STARS NG DOS ANG NET INCO...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.