1 patay, 2 sugatan sa aksidente sa Tayabas, Quezon

accident

ISA ang patay at dalawa ang sugatan sa pag-araro ng isang trak sa mga nagkarambolang mga sasakyan sa Tayabas City, Quezon.

Alas-7:00 ng umaga nang mawalan ng preno ang trailer truck na minamaneho ni Leonardo Plesilda sa pababang bahagi ng Maharlika Highway sakop ng Barangay Calumpang, Tayabas City.

Inararo nito ang mga nakaparadang sasakyan sa Grand Evangelical Mission ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa lugar.

Nagkarambola pa ang anim na sasakyan kabilang ang apat na bus, isang kotse at isang Tamaraw FX.

Naipit ng dalawang bus ang nasawing biktima na hanggang ngayon ay hinuhugot pa sa gitna ng nagsalpukang sasakyan.

Dalawa naman ang isinugod sa ospital.

Mabigat pa rin ang daloy ng trapiko sa lugar dahil sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply