Gulo sa Zambo, malabong umabot sa MM

TINIYAK ng Malakanyang na malabong tumalon sa Metro Manila ang gulong sinimulan ng MNLF (Misuari) faction sa Zamboanga City.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na imposibleng magkaroon ng sleeper cells  sa MM kahit na itinaas ni National Capital Region Police Office Chief Superintendent Marcelo Garbo Jr. ang alert level sa MM.

“The President had already given instructions early on to make sure that they would not be able to strike anywhere. Hindi lang po ‘yon kasali doon sa areas in Mindanao, as you’ve seen iyong sa Lamitan, we were able to intercept twice already. So hindi lang naman po ‘yan para doon sa mga…Of course, there are specified areas that I can’t divulge pero meron naman po mga instructions na naibigay na before ang Pangulo,” ayon kay Usec. Valte.

Sinabi pa rin niya na palaging sinasabi ng Pangulong Aquino na ayaw na niyang magkaroon ng iba pang insidente hindi lamang sa Mindanao kundi sa ibang lugar sa Pilipinas.

“Which is why we’ve taken measures to ensure just that upon the instructions of the President. Ngayon, iyong specifics kung doon sa mga sleepers at kung meron silang tinutunton, siguro hindi pa ho tayo nasa posisyon para i-discuss iyong mga ganitong bagay,” pahayag ni Usec. Valte.


Leave a Reply

*
Si junior ang composer ng yakap, english ang orig,...
nyahahahah siyempre naman para lalong gumanda ...
nyahahahahah ayy talaga,,sure ka bang binenta nila...
nyahahahah saan? anong lugar diyan sa bisaya? ha...
nyahahahaha saan? anong music stores? bwahahaha...
sana naman wag niyang maisipan idi=display ang erm...
75 yrs old, tinitelagan pa ba yun? lol!...
ANO BA YAN STD IKAW LAMANG ALBUM SOLD OUT NA AGAD?...
NYAHAHAHAHAHA SUNDAY ALL STARLETS MAG REFORMAT HAH...
NYAHAHA STD GRABE ONE MILLION PCS PALA ANG NABENTA...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.