MOA, pirma, atbp dokumento, pineke ni Napoles – Marcos

TAHASANG inihayag ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na pineke ni Janet Lim-Napoles ang lahat ng dokumentong iniuugnay sa kanya sa kontrobersiyal na pork barrel scam kabilang ang Memorandum of Agreement (MOA), pirma at maging ang notaryo-publiko.

Sa kanyang liham, sinabi ito ni Marcos kay Magno Oasan, supervising auditor ng Commission on Audit (COA), may petsang Setyembre 4, 2013, na humihingi ng paglilinaw hinggil sa ilang dokumento ng National Livelihood Development Corporation (NLDC).

Ayon sa senador, pineke ni Napoles ang kanyang lagda sa nasabing mga  dokumento at maging ang pirma ng kanyang  chief of staff na si Ramon B. Cardenas.

“When this scandal broke out, I purposely kept quiet even when name was constantly dragged into this controversy. Instead, I instructed my staff to conduct an investigation because I wanted to be very sure about what I would say since I didn’t want to misinform nor mislead the public,” ayon kay Marcos.

Dagdag ng senador, “Conducting our internal investigation was not an easy task especially since we were never given any documents regarding the transaction my office was allegedly involved in. Fortunately, when we received the COA letter asking us for confirmation, we were able to make some sense of what was going on.”

Sa isinagawang internal investigation ng tanggapan ni Marcos bunsod ng COA letter, nadiskubre na:

1. Pineke ang lagda ni Marcos sa NLDC endorsement letter na may petsang Marso 16, 2012; 2. Ang endorsement letter ay wala sa docket system kung saan inirerekord ang lahat ng mga dokumentong pumapasok at lumalabas sa tanggapan ng senador na sinimulang ipatupad noong Enero 2011;
3. Ang lagda ni Cardenas sa Memorandum of Agreement (MOA) sa 4 na NGOs ay palsipikado;
4. Kahina-hinala ang mga MOA dahil ang mga ito ay notariyado ng isang Atty. Antonio Santos sa Makati City. Ayon sa Clerk of Court ng Makati City, si Santos ay hindi commissioned ng Regional Trial Court ng Makati City bilang notary public mula 2011 hanggang 2012; at
5. Ayon sa Integrated Bar of the Philippines, iba ang may-ari ng lifetime number ni Santos.

Ang mga natuklasan ay kabilang sa investigation report na isinumite ni Marcos sa COA upang makatulong sa ahensya.

Tiniyak ni Marcos na patuloy ang pagsisiyasat sa nasabing usapin hanggang sa lumitaw ang katotohanan hinggil dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>